WALANG GABI na hindi naiisip ni Alani ang asawa. Kung dati ay madalas niya itong nakakausap sa cellphone ngayon ay madalang na lang. Palagi pa itong nagmamadali. Alam niya ang pinagdadaanan ng asawa pero wala siyang magawa. Kailangan din siya ng kanilang mga anak. Kailangan niyang magpakita na malakas siya para sa mga ito. Mabuti na lamang at kasama niya na ngayon si Becca kung kaya kahit papano ay nalilibang siya pero sa tuwing sasapit ang gabi gaya na lamang ngayon ay nagsisimula na siyang mag-isip. Wala siyang ginawa kundi ang ipagdasal ang asawa na sana ay malinawan ito at hindi magpakain sa galit. Nakatulugan niya na lamang ang pag-iisip lalo na at kanina niya pa tinatawagan si Ezekiel pero hindi ito sumasagot sa kanya. "Alani," mahinang pukaw sa kanya. Tinig iyon ni Ezekiel. Hindi

