PARA AKONG trumpo na hindi ko naalam Kung paanong ikot ang gagawin ko mahanap ko lang si Eunice. Mula ng hinatid ko siya sa bahay nila pagkagaling namin sa isla hindi ko na siya nakita pa. Sinadya ko talaga ang dalawang araw na hindi pagpunta o kaya naman pagpapakita kay Eunice. Binigay ko sa kanya ang space para makapag-isip sa pagitan namin ni King. Sa loob ng dalawang araw nagkulong lang ako sa bahay namin ni Eunice. Ang bahay kung saan kami nagsimulang dalawa. Pero sa ikatlong araw una kong pinuntahan ang kapatid ko. Only to find out that he's not around. And even our parents dont know he is at the moment. Na mula ng umalis kami ni Eunice umalis din pala ito. Ang buong akala ng mga magulang namin magkasama si Eunice at King. Hindi pala binanggit ni Blaire ang nangyaring pag-kidn

