Chapter Twelve Usok ng sigarilyo. Ingay. Samu't saring ilaw. Malakas na tugtugin. Ang pinagkaiba lang ay walang katao tao sa loob. Malamang sa malamang pinapapribado na naman ito ng kasama ko. Why? Because today is friday night at kada sabado ay wala itong pasok sa Spade kung kaya he is all free to spend his friday night at it's fullest. No work, full fun. Iyan ang sumalubong sa amin pagkapasok namin sa bar na hindi ko aakalaing mababalikan ko. Ito ang parehong bar kung saan una kong nakita si Zeus at ang kaparehong bar kung saan ako nahuli nito. Kinabahan ako bigla dahil baka makita ako ng may-ari ng bar na si Narcissus. Pero swerte na mukhang wala ito dito ngayon. Tinahak namin ang daan patungo sa ikalawang palapag ng bar na noon ko lang mapupuntahan. Nakasunod lang ako kay Zeus na no

