Chapter Twenty-Two "Hi, Ate." pilit ang ngiti sa aking mukha ng dumalaw ako kay Ate sa huling pagkakataon. Marahan kong ipinatong sa kaniyang lapida ang litrato nilang dalawa ni Zeus, masaya at nagmamahalan. "Ate, y-you know that I love you, r-right?" Napayuko ako at naikagat ang ibabang labi ng naging sunod sunod ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Ibayong sakit ang nararamdaman ko sa aking dibdib kapag nakikita ko ang masayang mukha ni Ate sa larawan na kayakap niya si Zeus. They both look perfect for each other’s arms. Sa isiping iyon ay nayamukos ko ang parte ng damit sa aking dibdib. "P-pero kasi masakit, Ate. S-sobrang sakit. I-I f-fell in love with your b-boyfriend. I fell in love with Z-zeus Ivan." matapos kong sabihin iyon ay naitakip ko ang dalawang kamay sa aking mata at

