Chapter Twenty- Four Wrong send. Iyon ang sabi niya noong isang gabi. Pero, wrong send pa bang masasabi kung hindi lang isa, dalawa, kundi tatlong beses na siyang na wro-wrong send sa akin? At bakit ba hanggang ngayon ay may numero pa siya sa akin? At bakit hanggang ngayon rin ay hindi pa ako nagpapalit ng numero? No wrong, I won't be the one who'll adjust for him. Bahala siya diyan sa "wrong send" trip niya kuno. Hindi lang siya ang dahilan pa ng sakit ng ulo ko ngayon, nagsabay pa sila ni Lucio. "Hey, day off mo bukas hindi ba?" Lucio's unsure voice resonated on my ears at natigilan ako sa paghuhugas ng plato dahil doon. After a day and a half, ngayon lang ulit kami nagka-usap. It's been awkward between the two of us since that night he said he liked me. Akala ko nga matatagalan pa an

