THIRD PERSON POV:) Panay tingin si Clive sa wallclock at hinihintay na mag-alas 5 ng hapon dahil hinhintay niyang umuwi agad si Lady Beth. Kaso alas 10 palang ng umaga at nakaramdam na ng gutom si Clive. Iniwanan na siya ng pagkain nito para sa tanghali kaso wala siya sa mood kumain dahil wala pa si Lady Beth niya. Mas ginaganahan siyang kumain pag kasama niya si Beth. Nakaupo lang siya sa sofa habang nakatingin sa wall clock habang nakanguso. Kumulo nalang ang tiyan niya na nangangahulugang gutom na gutom na siya. Halos napasapo pa ang kamay niya sa kanyang tiyan na humihingi na ng pagkain. "Why the time is too slow? I miss my Lady Beth." Turan niya sabay kamot sa ulo. Tumayo siya sa pagkakaupo at tumungo sa bintana para tanawin kung ano nangyayari sa labas. Nakasimangot na nilagay ni

