DYLAN LORENZO POV:) "Alam kong buhay si Ros. Nararamdaman ko ang bawat paghinga niya na buhay pa rin siya. Di ako naniniwala na ganun nalang nangyari sa kanya. Nakakasigurado akong nandito pa rin sa mundo si Ros at nandyan lang siya." Sabi ni Diego, ang tagapag-alaga ni Clive. Nakatayo ito habang pinagmamasdan namin ang Lola ni Clive na nasa bintana at nakasulyap sa labas. Umiiyak lang ito habang hawak ang litrato ni Ros. Magto-two weeks nang nangungulila si Lola Valencia halos di na tumigil ang pag-iyak nito araw-araw. Halos nahihirapan na patahanin ito ng assistant nito. "My grandson." Naiiyak na sambit ni Lola Valencia. "Doña Valencia, tama na po. Baka mapano kayo." Pagtatahan ng sekretarya nito. Nasa 40+ na ang edad nito at pangalan nito ay si Miss Eladia Panchio. Wala pa rin iton

