ANDREW SY POV:) Nandito ako sa office ng mga oras ngayon habang pinapakain ang alaga kong ibon na nasa hawla nito. Bumukas naman ang pinto at dumating na ang hinihintay ko. "Andito na po siya." Sabi ng assistant ko pagkapasok. "Papasukin mo siya." Sabi ko na hindi tumitingin dito. Pinapasok naman nito. Nang makapasok ay lumapas na siya para bigyan kami ng privacy na dalawa. Nag-bow naman ito sa akin bilang galang."Magandang hapon po sainyo, Sir Andrew." Magalang na bati nito. "Ano sabi ni Mr. Kailes?" Tanong ko saka na ako naupo sa upuan ko. "May hinahanap kasi itong tao na nadisgrasya niya kaya na-cancel yung meeting kahapon. Pero sa next week nalang raw niya ime-meet si Sir Johnser dahil busy siya ngayon this days." Paliwanag nito habang nakatingin sa ibaba. "Kaya pinatawag kita

