ELIZABETH VILLATORTE POV:) "Rose Padilla? Tama ba?" Sabi ko nang makita ko siya sa locker room at kakabihis lang niya. Mag-aalas 7 na ng gabi at tapos na ang trabaho namin. Siya yung jannitress kanina na nagsabi sakin kanina na mag-iingat ako dahil first day ko sa trabaho ko kay Sir Johnser bilang personal taga linis ng office niya. Ewan ko pero alam ko may pinagdaanan siya noon kay Sir Johnser. Cold ang mukha na tumingin ito sakin. Tumango lamang ito. Binuksan ko rin yung sariling locker ko. Magkalapit lang naman yung locker naming dalawa. "Ilang month kana pala nagtatrabaho dito?" Panimulang topic ko at hinubad na ang damit na suot ko para magpalit. "Eight months palang. Kaw?" Sagot at tanong nito habang hinuhubad ang pang-ibaba nito. "Magto-two months palang." Sagot ko."Ilan taon

