I said yes. Pumayag ako sa tinanong ni Jizan. Tangina, bakit ba ulit ako pumayag? Para mapalapit sakanya at makakuha ng impormasyon tungkol kay Harold. Yun ang kailangan ko sa ngayon, after getting the information that I need pwede ko ng iwan si Jizan. I will explain everything to him soon. Pero una, kailangan ko muna ang impormasyon. Napatingin ako kay Jizan at nakita ko ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha niya. Pero sa huli ay napatawa nalang siya ng mahina at huminga ng malalim. "I'm just kidding about the qualifications, are you serious about this?" Tanong niya saakin, at marahan naman akong napatango. Act. Evie... Huminga ako ng malalim at niyakap siya ng mahigpit. "I really like you Jizan, and I really want to be your girlfriend." Nagulat ako ng maramdaman ko ang kamay

