Tahimik na nagmamaneho si Jizan patungo sa mansyon namin, which is very unsual. Kasi lagi niyang tinatanong ang mga nangyari sa araw ko tuwing nag mamaneho siya, o kaya'y nag aasaran kami, o iniinis niya ako. Pero ngayon tahimik lang siya at parang malalim ang iniisip niya. Hindi ko nalang siya pinansin at inisip ang dapat kong gawin sa susunod na mga araw. Nakauwi na si Soren...kaya wala na akong dahilan para ipagapatuloy ko ang relasyon namin, yun lang naman dapat ang ginagawa ko eh. Ang makakuha ng impormasyon kay Jizan tungkol kay Harold. Pero masyado niya akong nililibang sa mga ginagawa niya at nakakalimutan ko ang tunay kong dahilan kung bakit ako nakipag-relasyon sakanya. "We're here." Nabalik ang atensyon ko sakanya dahil sa biglaan niyang pag salita. I looked at him. "Are you

