"Ang weird talaga niya kanina." Sambit ko. Kumibit-balikat nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Lumingon-lingon ako sa paligid at ni anino ni Ros, di ko siya nakita dito. Kahit sa minsan niyang inuupuan, wala siya doon. "Asan na yun?" Sambit ko habang hinahanap siya."Umuwi na kaya siya?" Tanong ko sa sarili ko. Hintayin ko muna siya dito ng mga 10 minutes baka nalibang ata siya sa kakapasyal sa manila. *///// Kanina pa ko naghahantay, wala pa rin si Ros. Sobrang sampung minuto na ako naghihintay sa kanya, wala pa rin siya. "Baka naunang umuwi na siya?" Tanong ko sa isip. Makauwi na nga baka ando'n na siya *///// Nandito na ako ngayon sa apartment. Sinusihan ko na ang pinto. Pagkapasok, sinarado ko agad ang pinto at nilagay sa sofa ang bag ko. "Ros, I'm here!" Sigaw ko lang

