CHAPTER 44 Confused Biglang natigilan si Michael sa paglalaro niya sa kanyang cellphone. Nawala rin ang ngisi sa labi niya na tila nang-aasar nang bigla siyang natauha. Gusto niyang mainis o magalit sa kanyang mga kaibigan dahil para bang pinagkaisahan siya ng mga ito. Pero buti na lang ay natigilan siya at nag-reflect siya ng ganon kabilis sa kanyang sarili. Tiningnan niya ang tatlo niyang kaibigan sa kanilang mga mata, kita niya na dismayado silang lahat kahit na hindi na nila ito sabihin pa. Nakayukom na rin ang kanilang mga kamao na tila ba nagpipigil ng galit sa kanya. Bigla na lang siyang natauhan dahil sa malakas na paghampas ni Noah sa kanilang lamesa na siyang ikinagulat ng kanyang pagkatao na naging dahilan kung bakit siya magising sa katotohanan. Umawang ang kanyang labi da

