CHAPTER 25 (PART 2)
Interest
Dahil sa pagkakagulat ay wala nang magawa si Nydia kung hindi ipagpaubaya ang kanyang katawan na sumunod sa guro. Wala na rin naman din siyang choice kung hindi pumasok. Alam niyang mahirap ang pagpasok sa classroom at makasama ang kanyang mga kaklase pero alam din naman niyang kailangan niyang tanggapin at kailangan niyang pakitunguhan ng maayos kahit na hindi ganon kaganda ang sinalubong sa kanya kanina dahil at the end of the day, sila pa rin ang makakasama niya sa loob ng sampung buwan. Sila ang makakasama niya sa araw-araw, maghapon nilang makikita ang mukha ng isa't-isa, maririnig ang iba't-ibang tono ng kanilang boses at higit sa lahat bawat minuto nilang mararamdaman ang presensya nila sa loob ng apat na sulok ng kwarto.
Nabuksan na ng kanyang guro ang pinto, kagaya ng inaasahan ay sabay-sabay ang pag-ikot ng kanilang mga ulo, mula sa kanya-kanya nilang kwentuhan o ginagawa ay nilingon nila kung sino man ang nagbukas ng pintuan. Nakangiti sila pagkatapos nilang makita ang kanilang guro na masayang papasok sa kanilang classroom. Ang kaso nga lang ay nawala ang ngiti ng iba lalo na si Sacha nang sundan nila ng tingin ang likuran ng kanilang guro kung sino ang hatak-hatak nito. Lalong nairita si Sacha nang makita niya na kahit payuko-yuko ang babae ay pilit pa rin siyang ngumingiti. Maging si Zyrene ay hindi niya nagustuhan ang presensya ng babae, ang buong akala nila ay nawa principal's office na ngayon ang nagpakilalang Nydia kanina para magpalipat ng section.
Tahimik siyang pinagmasdan ni Michael, tingin niya ay hindi kumportable si Nydia dahil sa paglalaro niya ng kanyang mga kamay, pilit pa niyang kinukurba ang kanyang labi para makabuo ng ngiti at malikot ang kanyang mga mata—nag-iingat na huwag tumama iyon sa kanila. Habang nagpipigil ng tawa si Vanz dahil para sa kanya ay mukhang tanga ang dalaga. Para siyang batang paslit na naligaw sa kanilang classroom kaya hindi niya alam kung ano ang igagalaw niya, kung ang kanyang mga mata, mga kamay, mga paa o ang kanyang ulo. Napailing su Vanz dahil alam niya na walang magiging kaibigan na babae ang bago nilang kaklase dahil sa ayos niya at alam niyang ayaw masapawan ng kanyang mga kaibigan na babae sa hamak na transferee.
Napanguso si Cassandra habang pinagmamasdan niya si Nydia, hindi niya maiwasan na maawa sa kalagayan ng magiging kaklase niya dahil alam niya na walang papansin sa kanya o kakausap man lang. Hindi niya maatim na isipin kung paanong siya ang nasa kalagayan ni Nydia, mabuti na lang at simula noong grade seven siya ay kaklase na niya ang mga kaklase nila kaya kaibigan na niya halos lahat. Gusto man sana siyang kausapin ni Cassandra para maging kaibigan niya ang kaso nga lang ay nagdadalawang-isip siya dahil baka bitawan siya ng kanyang mga kaibigan dahil lang sa kanya. Pinagmasdan din siya ni Joanne, sandaling naawa sa kalagayan ni Nydia pero alam niyang wala siyang magagawa kung hindi sumunod na lang sa kanyang mga kaibigan para huwag siyang mawalan. Hindi naman niya kayang bitawan ang lahat ng mga kaibigan niya para lang sa isang transferee na hindi pa naman niya lubusan na kilala.
“Good morning, class!” masaya at masiglang bati sa kanila ng magiging adviser nila ngayong academic year. Hindi niya maiwasan na matuwa dahil alam niyang hindi siya magkakaroon ng problema sa section na 'to. Lahat ng gifted na student sa batch nila ay napunta na sa section na ito kaya hindi siya mamroblema sa kanilang mga grades at hindi rin naman lingid sa kanyang kaalaman ang pagiging responsable nilang mga estudyante kaya hindi siya magkakaroon ng problema sa detention center, office of student affair o maging sa principal mismo.
“Good morning, ma'am,” Halos sabay-sabay nilang sabi, may ilang sinuklian ang ngiti ng Ginang ang kaso nga lang ay may iilan na tamad na bumati dahil sa babaeng katabi niya ngayon.
“Alam ko na since grade seven kayo ay block section na kayo!” masayang sabi ni Erika sa kanyang mga estudyante. Hindi niya maiwasan na maging masaya na sila ang magiging advisory class niya para bang isang achievement o isang honor na maging teacher ng mga matatalinong estudyante na pride din ng eskwelahan. “Na-meet niyo na ba ang inyong bagong kaklase?” pagtatanong niya tiyaka niya muling hinawakan ang kamay ni Nydia at hinatak pa niya ito papalapit sa kanya.
Walang nagsalita sa kanilang lahat, nakatingin lang sila ngayon kay Nydia na pinaglalaruan na ang kanyang sapatos dahil ramdam niya ang titig ng lahat ng kanyang kaklase sa kanila. Binilang niya pa kung ilang segundo natahimik ang buong classroom pagkatapos itanong ng kanilang guro 'yon. Hindi rin naman alam ni Nydia kung ano ang isasagot niya, kung sasabihin niya ba ang totoo o hindi.
“We met her earlier but she didn't have the chance to introduce herself properly since the flag ceremony started,” si Michael na ang sumagot para sa lahat dahil sa sampung segundong katahimikan, mukhang walang balak magsalita sa kanyang mga kaklase o maging sa bagong dating na si Nydia. Umawang ang labi ni Nydia dahil sa sinabi ni Michael kaya wala sa sarili niyang napatingin siya sa binata—nagtataka. Tinanguan lang siya ni Michael nang magtama ang kanilang mga mata.
“Is that so?” pagtatanong ni Erika sa kanyang estudyante na mukhang naniniwala naman kay Michael. Syempre, sino ba namang hindi maniniwala sa consistent top one ng kanilang section?
“Introduce yourself,” sambit ng guro tiyaka siya bahagyang umusog para mapunta ang spotlight o ang atensyon ng lahat kay Nydia.
Marahan na tumikhim si Nydia dahil mukhang nanuyo pa ang kanyang lalamunan dahil kabado siya kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang mga kaklase. Hindi naman siguro siya ipapahiya sa harapan ng kanilang guro, 'di ba? Kung section A nga sila simula noon, alam niyang hindi nila ipapakita ang negative side nila sa mga guro.
“Ny-nydia Sa-Sandoval,” kinakabahan na pagpapakilala niya. “E-eighteen years old.” dagdag niya pagkatapos ay tiningnan na niya ang kanilang guro, nagpapahiwatig na tapos na siyang magpakilala.
Sinenyasan siya ng kanyang guro na magsabi pa tungkol sa kanya ang kaso lang ay marahan na umiling si Nydia. Hiyang-hiya na sa nangyayari pagkatapos ay nasa harapan pa siya.
“All right,” natatawang sambit ng kanilang guro tiyaka pumalakpak na isa para makuha na niya ang atensyon ng kanyang mga estudyante. “Looks like Nydia is a shy girl.” Ngumiti ito kay Nydia. “But you need to boost your confidence, remember your strand.” dagdag pa niya kaya marahan na tumango si Nydia.
“tsk,” bulong na sambit ni Madelyn, hindi niya gusto ang presensya nito at kung paano ang pagiging pabebe ng kanyang kaklase na nasa harapan niya. Ayaw niya ang prensiya nito, ayaw niya ang vibe nito, o maging ang buong pagkatao nito. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganon marahil siguro ay hindi niya maiwasan kabahan kung ano ang kakayahan ng babaeng ito at napunta siya sa kanilang section.
“Anyway, welcome to Class A, Nydia!” pag-welcome sa kanya ng guro na kailaman ay hindi niya narinig o naramdaman sa kanyang mga kaklase. “Maybe you can sit there,” turo ng guro sa isang armchair na nasa likuran at mag-isa lang. Kinagat ni Nydia ang ibabang labi niya dahil sa awa sa sarili, lalo niyang mararamdaman ang pag-iisa niya roon.
Nakayuko at mabilis siyang pumunta sa likuran para makaupo na at mawala na ang atensyon ng kanyang mga kaklase. Nakahinga siya ng maluwag nang nawala na nga sa kanya ang tingin ng lahat, ni hindi man nga siya sinundan ng tingin na para bang hangin lang siya na dumaan sa gitna. Muli siyang bumuntong hininga para pigilan niya ang kanyang loob na umiyak. Bahagya pa niyang pinaypayan ang kanyang sarili gamit ang kanyang dalawang kamay.
Habang ginagawa niya 'yon ay aksidenteng nagtama ang tingin nila ni Michael, napatigil siya sa kanyang ginagawa dahil baka akalain ni Michael na weird siya dahil pinapaypayan niya ang kanyang sarili gayong dalawa ang aircon sa kanilang classroom. Doon niya lang narealize na dalawa ang kanilang room pagkatapos ay pinagpapawisan pa siya kaninang nagpapakilala siya. Nginitian siya ni Michael bago ito mag-iwas ng tingin kaya naiilang na ngumiti na lang din siya at pinilmi na ang kanyang tingin sa guro na nagsasalita. Nagpapakilala ito at kung ano ang subject nila sa kanya, kung ano ang expect na pag-aaralan at gagawin nila sa isang semester.
Nag-take note siya sa mga gamit na kakailanganin niyang bilhin na ni-require ng kanilang teacher. Isang oras lang ang kanilang guro bago siya lumabas, wala pa ang kanilang susunod na teacher kaya nagkaroon na naman ng kanya-kanyang ginagawa ang lahat.
Nakapangalumbaba siya habang tinitingnan na masayang nagtatawanan, kwentuhan at naglalaro ang kanyang mga kaklase. Para bang hindi nila ito nakikita dahil walang isa man sa kanila ang kumausap sa kanya. Nilibang na lang niya tuloy ang kanyang sarili sa panonood sa kanila. Baka sakaling ma-observe niya ang kanilang galaw at makahanap siya ng paraan kung paano sila kaibiganin.
Mula sa hanay ng mga babae ay narinig niya ang iba't-ibang clothing line, make up brands at kung saan sila nagbakasyon noong summer. Binaligtad niya ang kanyang notebook tiyaka niya sinulat ang mga paborito nilang make up brand maging ang paborito nilang clothing brand, nag-list down din siya pati brand ng mga bag. Sa isang grupo naman ng mga babae ay tungkol sa kdrama at kpop kaya nagtake note siya ng mga grupong papakinggan niya maging ang mga series na papanoorin niya na pinapanood at sinusuportahan ng kanyang mga kaklase.
Sa hanay naman ng mga lalaki, ang kalahati sa kanila ay nag-uusap tungkol sa basketball at sa mga iba't-ibang brand naman ng sapatos, kaagad niyang sinulat ang mga brand ng sapatos na binabanggit nila hindi para bilhin niya kung hindi para magresearch ng quality nito at nagbabakasakali na baka kausapin siya. Sa kabilang hanay naman ay naglalaro lang sila ng playstation, ngumiwi siya dahil wala siyang interes doon but might as well mag research na lang din siya. At sa kabila naman ay anime ang kanilang pinag-uusapan, kaagad siyang nagtake note ng shows at series na nababanggit nila. Napatingin siya sa hanay nina Michael at Aaron na minsan lang nagsasalita, tahimik lang ang dalawa at nag-aaral. Tumango siya tiyaka niya sinulat na magtingin ng mga libro na magiging interesado sa kanya.
Baka sakali na kapag pareho sila na naging interes ay kausapin na siya ng mga ito.