CHAPTER 30
Part
“Nag-away na naman kayo?” pagtatanong ni Ranz sa kanyang kaibigan na si Vanz nang badtrip siyang umupo sa tabi nito. Napailing na lang siya dahil nasasanay na lang siya sa palaging ganon ng dalaga sa kanya. “Ano na naman ang nangyari?” pagtatanong pa ulit nito dahil sa itsura ng kaibigan niya ay alam na niyang nag-away na naman sila.
“I accidentally drop her ‘favorite’ foundation,” tamad na sambit ni Vanz tiyaka niya pa qinoate ang salitang favorite gamit ang dalawang daliri niya. Napapagod na rin siya sa pagi nilang away ni Sacha, para bang sa isang araw ay hindi makukumpleto ang araw nilang dalawa nang hindi nag-aaway.
“Na naman?” pagod na sambit ni Kyle nang maupo siya sa tabi ng binata dahil alam niya na kapag ganon ang mukha ni Vanz ay nag-away na naman sila ni Sacha. “Ano na naman ang nangyari ngayon?” pag-ulit na tanong niya dahil hindi niya narinig ang sagot ng binata kanina.
“He drop her favorite foundation,” si Ranz na ang sumagot dahil baka magalit pa lalo ang kanyang kaibigan na si Vanz sa oras na umulit pa siyang sumagot.
Hindi na lingid sa kaalaman ng dalawang kaibigan ni Vanz kung ano mang meron sa kanila ni Sacha. Minsan ay hindi na nga nila maintindihan ang dalawa dahil alam nila naghiwalay na sila noong grade ten pa lang sila pero muli silang nagkabalikan ngayon pero minsan ay hiwalay na naman sila at dahil iyon sa mood swing na malala ni Sacha. Pero ang alam nila ngayon ay sila pa ring dalawa kahit na lagi silang nag-aaway. Parang isang malaking himala na lumipas ang isang araw na hindi sila nag-aaway. Maikli din kasi ang pasensya ni Vanz kaya hindi nila alam kung paano nila natagalan ang isa’t-isa.
“The f**k are you doing Vanz?!” hindi mapigilan na sumigaw ni Sacha nang malaglag ang kanyang foundation sa lapag at ang malala ay nasira pa ito. Ang paborito niyang foundation na hindi mabibili sa Pilipinas at huling stock niya ay nabasag!
Nasa labas sila ngayon ng hallway kung saan naglabas sila ng isang armchair dahil may dinedesenyo sila sa harapan ng kanilang classroom at dahil magaling sa arts ang kanyang pinsan ay siya ang naglelead sa pagdedesign habang tumutulong ang iba. Dahil breaktime ay nagbreaktime din sila saglit sa pagdedesign at silang tatlo lang ang naiwan sa labas habang busy pa rin ang kanyang pinsan na nagsasabit ng kung ano-ano.
Napatigil si Nydia sa pag-akyat sa huling baitang ng hagdan dahil sa sigaw ni Sacha. Nagulat siya dahil mukhang galit na galit ang kaklase niya kaya naman hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan dahil baka may magawa pa siyang mali at sa kanya ibuhos ang galit. Kakagaling niya lang kasing bumili ng iilang pang disenyo dahil inutusan siya kanina ni Sheena.
Alam niya na mapapagod siya sa pag-akyat baba dahil nasira ang elevator nila sa kanilang building kaya temporary under maintenance muna ito. Pero kahit na ganoon ay hindi niya mapigilan ang kanyang tuwa dahil kinausap siya ni Sheena para bumili siya ng mga kailangan nila.
Walang magawa kanina si Sheena dahil wala naman siyang choice kung sino ang pwedeng utusan sa kanyang mga kaibigan dahil mukhang busy na silang lahat sa ginagawa nila. Hindi naman din niya mautusan ang mga boys dahil busy na sila sa kanilang mga PSP o kaya ay kung ano man ang pinapatugtog nila sa malaki nilang headphones. Mabuti na lang at nakita niya sa isang sulok si Nydia kaya nilapitan niya ito para utusan niyang mamili.
Nawerduhan pa si Sheena dahil ang saya ni Nydia noong inuutusan niya ito. Ibang-iba sa mga reaksyon ng kanyang mga kaibigan na busangot na, magdadabog pa.
Pero para kay Nydia ay isang achievement na may kumausap sa kanyang kaklase niya. Isa pa, napanood niya isang beses si Sheena noon sa TV dahil may commercial siya at hindi siya makapaniwala na magandang-maganda nga talaga ito sa personal, malambing ang kanyang boses at isa pa kung bakit hindi siya makapaniwala ay para bang ang bibigatin ng kanyang mga kaklase dahil nakikita niya halos lahat sa TV o kaya naman ay nababasa sa mga magazin ang kanilang mga pamilya.
Hindi niya mapigilan na magresearch kasi noong isang gabi sa kanila at stalk sila sa iba’t-ibang social media account nila dahil kailangan niya ng impormasyon kung sakali man na magtanong ang kanyang kapatid o ‘di kaya ay ang kanyang lola. Para naman hindi halata na nagsisinungaling lang siya na nakahanap na siya ng mga kaibigan kahit na walang halos gustong kumausap sa kanya.
“What?” gulat na tanong ni Vanz dahil halos mapalundag siya sa biglaang sigaw ng kanyang kasintahan. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya.
“Look what have you done!” sigaw muli ni Sacha tiyaka niya pinakita ang basag niyang foundation.
Kumunot ang noo ni Vanz tiyaka siya napatingin sa inupuan niya dahil noong umupo siya ay wala naman doon ang foundation at ngayon ay may bakas na sa lapag. Ang buong akala niya kanina ay pang-design lang ang nasagi niya kaya hindi niya masyadong pinansin at naglaro lang siya sa kanyang cellphone. Pero bigla siyang natauhan dahil sa siga wni Sacha.
“I’m sorry, hindi ko sinasadya.” malumanay na pagkakasabi ni Vanz dahil alma naman niya na hindi niya gugustuhin na makipag-away pa kay Sacha at baka marinig pa siya ng ibang teacher sa mga room na malapit sa kanila dahil sa lakas ng sigaw nito.
“What sorry?!” inis na tanong ni Sacha at halos maiyak pa siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya para mabuo ulit ang nabasak niyang foundation. “Mabubuo ba ng sorry mo ang ginawa mo ha?!” pagtatanong niya tiyaka niya pa muling inangat ang hawak niyang foundation para makita ni Vanz kung ano man ang ginawa niya.
“Hindi ko naman nga sinasadya,” wika pa ni Vanz. Sinusubukan niyang habaan ang kanyang pasensya sa dalaga dahil sanay na rin ito sa mga mood swings niya.
“Hindi mo sinasadya pero kung hindi ko lang nakita sa lapag hindi mo pupulitin?” inis na tanong pa nito kaya naman napapikit si Vanz para kumuha ng pasensya, nauubusan na siya ng pasensya dahil kahit na ilang ulit niyang sabihin na hindi niya sinasadya ay may ire-rebate pa rin sa kanya ang dalaga.
“Akala ko pang-design lang ang nahulog, okay? Hindi ko naman alam na nilagay mo pala ang foundation mo roon.” sambit ni Vanz na medyo naiinis na kaya naman nainis lalo si Sacha dahil sa boses na iginawad sa kanya ng binata.
“Are you saying it’s my fault?!” muling pasigaw na sabi pa niya kaya naman bumuntong hininga si Vanz dahil nawawalan na talaga siya ng pasensya pero kailangan niyang habaan para hindi na sila mag-away kahit na nag-aaway naman na sila ngayon.
“I didn’t say that,” mahinahon na muli ang boses ni Vanz dahil aminado siyang nagkamali siya sa tono ng boses niya kanina.
Mataas ang pride ni Vanz pero para kay Sacha ay handa niyang babaan ito para lang huwag na silang mag-away. Mahalaga ang babae sa kanya at mahal niya ito kaya naman kahit na pride na ang usapan ay kaya niyang isantabi basta ba huwag lang silang mag-away ni Sacha.
“Pero iyon ang pinapalabas mo,” agad na sambit ni Sacha dahil hindi niya talaga nagustuhan ang tono ng pananalita ni Vanz dahil alam niya kung ano man ang tono na iyon. Tono na pinapalabas na siya ang may kasalanan.
Bago pa makasagot si Vanz at depensahan ang kanyang sarili ay tumayo na si Sheena mula sa pagkakaupo sa lapag dahil nasa bandang baba ang kanyang dinedesenyo, contest kasi ito per classroom at hindi pwede na matalo lang sila.
“That’s enough,” sambit ni Sheena dahil alam niyang hindi na matatapos ang bangayan ng dalawa kung hindi niya pa aawatin. Silang dalawa ang dahilan kung bakit ayaw magkaroon ng jowa ni Sheena dahil natatakot siya na baka ganito ang magiging araw niya palagi. “Pumasok ka na lang muna sa classroom, Vanz.” Pag-utos ni Sheena dahil alma niyang hindi muna sila pwedeng magsama sa iisang lugar dahil alam niya na hindi na sila matatapos sa bangayan.
“What?” hindi makapaniwalang tanong ni Vanz dahil mukhang nagkampihan pa ang dalawang magpinsan laban sa kanya.
“Just go inside!” inis na sambit ni Sheena dahil baka wala pa silang matapos kaya ganon na lang din ang ginawa ni Vanz.
Badtrip siyang pumasok sa loob ng classroom habang dahan-dahan naman naglakad palapit si Nydia kay Sheena para ibigay ang pinapabili nito habang si Sacha naman ay badtrip pa sa nangyari sa kanyang foundation kaya naman pumasok muna siya sa comfort room, sinundan naman kaagad siya ni Sheena dahil alam niyang kailangan ng isang tao para mag vent out ang kanyang pinsan.
“Maybe you crossed the line again,” sambit ni Sheena sa kanyang pinsan habang nasa comfort room sila at bwisit na bwisit si Sacha habang nakatingin sa basag niyang foundation dahil nahulog kanina ni Vanz. Hindi naman sinasadya ni Vanz iyon dahil nakita mismo ni Sheena na nasagi lang naman ng binata dahil hindi niya alam na nakalagay pala iyon sa arm chair na inuupuan niya.
Kung titingnan niyang mabuti walang kasalanan si Vanz dahil hindi naman niya alam na biglang nilagay doon ng kanyang pinsan ang paborito niyang foundation na sa USA pa nabibili at iyon na ang last niya dahil next month pa muling pupunta ng America ang tita niya para bilhan sila ng kung ano-anong gamit na kailangan nila o kagustuhan lang nila. Kaya naman naintindihan niya rin kung bakit galit ngayon ang kanyang pinsan. Walang may kasalanan sa kanilang dalawa dahil aksidente lang naman naman ang nangyari, hindi sinasadya.
“I didn’t,” mabilis na sagot ni Sacha dahil nagalit man siya kanina at nasigawan niya man si Vanz ay kasalanan niya iyon. Hindi nag-iingat ang binata kaya nahulog niya ang paborito niyang foundation na hindi mabibili sa Pilipinas. Kailangan niya pang maghintay ng ilang Linggo bago siya muli magkakaroon ng stock at ayaw naman niyang gamitin ang nakabiyak na foundation dahil baka akalain ng makakakita e cheap siya.
“That was an accident, ate.” kaagad na sinamaan ni Sacha ng tingin si Sheena hindi lang dahil pinagtatanggol niya ang lalaki kung hindi dahil sa pagtawag niya na rin dito ng ate. Ayaw niyng tinatawag siya ng ganon ng kanyang pinsan dahil pakiramdam niya ay napakatanda niya lalo na’t magkaklase lang sila o baka akalain ng mga nakakarinig ay matanda na siya dahil sa pagtawag sa kanya ni Sheena ng ate.
“I told you to stop calling me ate!” mahinang sigaw pero madiin ang pagkakasabi ni Sacha kaya naman kaagad na tinaas ni Sheena ang kanyang kamay para senyales na hindi na niya muling lalabanan pa ang kanyang pinsan. Alam niya kung gaano kaikli ang pasensya nito at alam niya rin kung paano magalit ang kanyang pinsan. “And stop defending him to me!” inis na sabi pa niya dahil pakiramdam ni Sacha ay kapag dinedepensahan ng kanyang pinsan si Vanz ay pinapalitaw niya na siya ang may kasalanan kung bakit nabasag ang paborito niyang foundation.
“Okay, chill.” agap ni Sheena dahil ayaw na niyang painitin pa ang dugo ng kanyang pinsan at kaibigan na rin niya. Sa katunayan nga ay mukha na silang magkapatid dahil tinuring siyang anak ng ina ni Sacha. Ang maganda sa kanilang dalawa ay hindi kailanman nakakaramdam ng selos o inggit si Sacha sa kanya kahit na mas tratuhin pa na anak si Sheena minsan keysa kay Sacha.
Para kay Sacha ay ayos lang naman iyon dahil ayaw naman niya kung ano man ang ginagawa ng kanyang ina. Ayaw niyang ipagpatuloy kung ano man ang nasimulan niya. Hindi niya gusto ang pageantry kahit na noong elementary siya ay pilit siyang nilalaban ng kanyang ina at nanalo naman palagi siya sa lahat ng sinalihan niya.
Hindi niya lang talaga gustong maging beauty queen. Hindi niya nakikita ang kanyang sarili na rumarampa sa stage at nakikipag-agawan ng korona kagaya ng gusto ng kanyang ina. Mas nakikita niya ang kanyang sarili na nakikipag-agawan sa mga kliyente, nagpapatakbo at nagpapalago ng isang kumpanya. Kaya pinagpapasalamat niya na hilig ng kanyang pinsan ang pagsali sa iba’t-ibang pageant kaya naman hindi na siya pinressure ng kanyang ina sa pagsali sa iba’t-ibang beauty pageant. At sinuportahan na lang siya sa bagay na mas gusto niya.
“Argh! I forgot to answer my assignment!” sambit ni Christy tiyaka niya mabilis na hinagilap ang kanyang notebook habang breaktime pa nila.
“You surf all day, huh.” Komento ni Hahn sa kanyang kaibigan habang nagsusulat siya ng article dahil kasama siya sa journalism sa kanilang paaralan.
“Nasaan pala sina Madelyn?” pagtatanong naman ni Joanne dahil hindi niya makita ang apat.
“Alam mo naman na laging magkakasama iyong apat,” komento ni Cathlyn. “Kapag pupunta ng canteen.” Silang apat kasi ang mahilig sa pagkain kaya kapag nagyaya na ang isa ay susunod na ang tatlo. Pero kahit na matakaw ang apat ay nakakabilib pa rin kung gaano kaganda ang kanilang katawan.
“The f**k is question number three?” sambit ni Christy dahil hindi niya masyadong napakinggan ang discussion noong last meeting nila.
“I-i have an answer,” singit ni Nydia dahil baka ito na ang pagkakataon niya na magkaroon ng panibagong kaibigan. Dahil kinausap na siya kanina ni Sheena ay pakiramdam niya ay pwede na siyang makiusap sa iba pa nilang mga kaklase.
“What the f**k I would do with your answer? I can answer it by myself.” Masungit na sabi ni Christy dahil para siyang na-offend sa pag-alok ni Nydia. “What do you think of me? A dub brainless woman?” masungit na tanong niya kay Nydia kaya napakagat ng labi si Nydia tiyaka niya nilayo ang notebook na inaalok niya.
“I don’t need someone like you!!” sigaw ni Christy kay Nydia dahil hindi niya maatim na inalok siya ng assignment ni Nydia. Kaya niyang sagutan iyon pero kailangan niya munang mag rant bago niya isulat ang sagot.
“Hey, don’t be harsh on her.” Napatingin silang lahat kay Antonniete na kakarating lang at nakangisi. Lumapit siya kay Nydia tiyaka niya hinawakan ang magkabilang braso nito dahil nakaupo naman ito habang nakatayo si Antonniete.
“What the f**k?” gulat na sambit ni Cathlyn dahil hindi niya maintindihan ang kanyang kaibigan kung bakit niya nilapitan at hinawakan si Nydia.
“She’s part of us now,” Antonniette announced.