CHAPTER 46 Wonder Ramdam sa klase ang ilangan sa apat na magkakaibigan na sina Michael, Madelyn, Noah at Calyx nang magkaroon na ng pasok. Napansin kaagad iyon ng kanilang mga kaibigan dahil sa tagal na nilang magkakasama ay kabisado na nila ang kilos ng isa’t-isa at madali nilang ma-obserba kung may ilangan, pag-aaway o hindi pagkakaintindihan sa mga kaibigan nila. Ang kaso nga lang ay wala pang naglakas ng loob na punain ito, pare-pareho silang naghihintayan na magsabi ang isa sa kanila pero umakto lang sila na para bang walang problema kahit na ramdam na ramdam ng iba ang kakaibang hangin na namumuo kapag sila na ang napapansin at pinag-uusapan kung ano ang nangyari. Pinag-uusapan kasi nila kung ano ang nangyari sa kanya-kanyang bahay nang magkasundo sila na sabay-sabay silang guma

