MACKENZIE'S POV: MALUTONG itong napahalakhak nang sabunutan ko siya pagkadaan ng sasakyan ni daddy na sinenyasan kaming susunod na kami dito. Nanggigigil akong gustong tirisin ito at hindi manlang ako sinabihang nasa likuran lang pala ang daddy. Nakita niya tuloy akong hinila ang Harris na ito at hinalikan sa mga labi! Kahit nasa tamang edad na ako ay nahihiya pa rin ako na makita ako ng daddy na may kahalikan! I've never have a boyfriend before. Kahit nga ang magpaligaw ay hindi ako tumatanggap. Sa tuwing may nagtatangkang manligaw sa akin, I always say no. Dahil wala pa sa plano ko ang mga bagay na iyan. “Aray ko naman, honey. Ang brutal mo talaga sa akin. Parang hindi mo ako mahal,” reklamo niya na napingot ko ito sa tainga! “Ay hindi talaga kita mahal, Harris!” sikmat ko ditong n

