NOLAN'S POV: TAHIMIK kaming lahat na nandidito sa labas ng operating room ng hospital nila Mackenzie. Dinala namin dito si Athena, ang kanang kamay nito at napuruhan siya sa pagligtas kanina kay Mackenzie. Maayos naman naming naisarado ang shipment kanina sa abandonadong hospital na tagpuan namin ng kliyente ni Mackenzie. Kahit nagkaaberya at dumating ang grupo ni Miguel para sana agawin ang pera at mga baril na paninda nila Mackenzie. Napalapat ako ng labing nilingon si Mackenzie. Hindi kasi ito nagsasalita kahit kinakausap ko. Umiiling lang siya kapag inaalok kong kumain o uminom. Nakatayo siya sa harapan ng pintuan. Palakad-lakad. Hinihintay na may lumabas na nurse mula sa loob para masabihan kami ng kalagayan ni Athena. Naiintindihan ko naman ang guilt na nadarama nito ngayon. Dah

