MACKENZIE'S POV: NAKABUSANGOT ako habang nandidito sa labas ng bahay. May hawak na mug ng kape at nagpapahangin. May bonfire naman sa harapan ko kaya hindi malamig. Maya pa'y lumabas na rin si Nolan mula sa loob ng bahay. May dala ding kape at blanket. Hindi ako umimik nang tumabi siya sa akin. Ibinalot niya rin sa aking balikat ang blanket na ikinalingon ko dito. Napataas ako ng kilay na suotan din niya ako ng bonet sa ulo. "Sisipunin ka niya'n kapag nahamugan ka." Wika nito na ngumiting humalik pa sa noo ko. "Naiinis pa rin ako sa'yo," ingos ko dito na napahagikhik. "Sanay na akong naiinis ka palagi sa akin, honey. But it's okay. Mahal mo naman ako e." Sagot nito na ikinasamid kong napaubo sa tinuran nito. Napahalakhak naman ito na hinagod-hagod ako sa likuran. Napatikhim ako na

