NOLAN'S POV: PANAY ang lingon ko sa gawi nila Mackenzie at mga pinsan nitong babae. Nag-iinuman kasi kami ng mga pinsan nito at hindi naman ako makatakas. Mabuti pa si Drugo dahil nakapuslit na sila ni Athena. Nasa burol na sila ngayon at doon kami nag-usap-usap na matutulog ngayong gabi! Sa bahay sila tutuloy habang kami ni Mackenzie ay sa treehouse na katabi lang ng bahay sa burol. Bagong gawa pa nga lang iyon nila Tatay Elias. Dahil wala pa iyon noong nakaraang nagpunta kami dito. “Tagay mo, dude.” Wika ng pinsan ni Mackenzie na muli akong tinagayan. Napangiwi ako na halos mapuno ang baso ng shot ko. Natawa pa ang mga ito. “Pwede bang konti-konti lang? Baka malasing naman ako. May laban ako mamaya e,” reklamo ko na tinungga ang shot ko. Hindi pa naman ako makadaya dahil nakatut
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


