MACKENZIE'S POV: KABADO ako habang pauwi kaming dalawa ni Nolan ng mansion. Matapos kong makausap ang daddy, ginising ko na ito at nag-ayos na ng sarili. Ni hindi na nga kami nakakain at nagmamadali kami. Kung ano-ano nang tumatakbo sa isipan ko kung bakit kami pinatawag ng daddy. “Relax, honey. Nandidito ako,” ani nito na inabot ang kamay ko at pinag-intertwined ang aming palad. Marahan niya pang pinisil-pisil iyon hanggang sa unti-unting kumalma ang puso at isipan ko. Napapikit ako na naisandal ang sarili sa upuan. Patuloy naman nitong pinipisil-pisil ang kamay ko habang nagmamaneho ang isang kamay niya. “Feel better?” aniya na ikinatango ko. Upon arriving at the mansion, my heart started racing again. I took a few more deep breaths to calm myself down before getting out of the

