“Ang gwapo mo talaga Dylan kahit gurang kana”..anas ng isip ko habang nakatingin sa larawan niya. Ito ang ginagawa ko kapag nandito sa kwarto niya naglilinis. Kinakausap ang larawan niya. Syempre nanaginip at nangangarap sa isang bagay na impossible.
Alam ko naman na hindi mangyayari ang iniisip ko. Pero wala namang masama kung magpapantasya ako di ba? Sabi nga nila libre lang ang mangarap at walang bayad.
“Sa panaginip nalang kita mamahalin at jojowain Dylan,” anas ng isip ko.
Ang swerti ng babaeng minahal niya pero pinakawalan lang ang lalaking katulad ni Dylan Norton na isang negosyante at masayahing tao.
“Kung payat kaya ako, napansin kaya ako ni Dylan?” Ang taas ng panaginip ng isang atchay...kontra ng kabilang utak ko.
Masama bang magmahal? Ang umibig sa isang prensipe? Malay natin pwedi akong maging Cinderella sa kariton ni Ambi hehe. Sana makakita ako ng isang diwata ba. Para i-magic ako na pumayat. Jusko ang taas na ng inakyat ng imahinasyon ng pangarap ko. Mabubuhay pa kaya ako kapag bumagsak sa lupa ng realismo.
“Hoy Fatty bakit titig na titig ka sa larawan ko? Pinagpapantasyahan mo na ako ano?” Kagwang ka, bakit ka ba nanggugulat? At napaka assuming mo naman uy. Hinahamon ko ng suntukan iyang larawan mo. Naiinis kasi ako sa mga kalat mo burarang gurang ka. Pero sa totoo lang nagulat at nahihiya ako dahil nahuli niya akong nakatingin sa larawan niya.
Hindi ba pumasok kana sa opisina mo? Bakit bumalik ka? M-may nakalimutan ka ba?
“Umupo ka muna Fatty, dahil may sasabihin ako sa'yo,” sabi niya sabay hila sa akin. Pinaupo niya ako sa coach niya.
“Di ba tinanong kita kung ano ang gusto mo kung sakaling pinapaaral ka ng ama mo? Sabi mo gusto mong maging CPA Accountant. Kaya pumunta ako sa UP kanina para ipa-enroll ka. Approved ang certificate mo dahil Valedictorian ka at may scholarships pa silang ibibigay sa'yo. Chance mo na ito Fatty para matupad ang pangarap mo. Kaya iwanan mo muna iyang trabaho mo at mamimili tayo ng mga gamit mo,” Sabi ni Dylan.
Umiiyak ako sa mga sinabi niya. Nagawa niya iyon ng hindi ko nalalaman?
“Oh bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba?”
Nakakainis ka naman eh, nakakagulat naman kasi iyang balita mo. Pero totoo ba yan?...paninigurado ko pa sa kanya.
Hindi na ako nahiya at niyapos ko na siya ng mahigpit.
“Fatty tama na, Hindi na ako makakahinga dahil naiipit na ako sa dalawa mong dd,” sigaw pa niya.
Buang ka Dylan huwag mong akusahan ang malulusog kong dibdib.
Sabay na kaming naglakad papuntang bookstore. Syempre para akong artista na pinagtitinginan ng mga tao. Naririnig ko pa sila na maganda at matangos daw ang ilong ko pero nasobrahan lang daw ang katawan ko. Yong iba naman sinasabing nakainom daw ako ng maraming baking powder.
“Oh look who's here! The Mighty Dylan. Ito ba ang bagong girlfriend mo? Kawawa ka naman bro, dati sexy ang tipo mo kaya patay na patay ka sa babaeng asawa ko na ngayon. Pero anong nangyari at nagpalit ka ng lasa? Bakit sponge bob na ang magustuhan mo oversize pa.
“Agad kong sinuntok ang mukha ng lalaking nang-iinsulto sa akin. Sapol pa sa ilong niya kaya sumugod ito.
“What a F*ck b*tch,” napamura siya.
Umayos ka dong, Bisaya ko di magpalupig sa imo. Manlalait ka tapos kapag pinatulan ka ikaw pa itong may ganang magmura. Nakakahiya ka, ikaw ba ang nagpapalamon sa akin? Ah ikaw pala ang kaibigan ni Dylan na sumurot sa nobya niya. Nakakahiya ka uy naturingan na kaibigan pero traydor pala.
“Oh my God Maxon what happen to your nose?” isang babae na may dalang bata ang tumakbo sa gawi ng lalaki. Nang tumingin siya sa amin nagulat siya ng makita si Dylan.
“D-dylan? You hurt my husband?” sabi niya. Tumaas pa ang kilay niya ng makita ako.
Ako ang sumuntok dyan sa asawa mong matabil ang bibig. Pasmado bibig niyan kaya inupakan ko na. Kung may reklamo ka huwag mo nang ibuka iyang bibig mo baka pati ngipin mo magsilaglagan pa kapag natamaan ng kamao ko.
Halika na Dylan, nagsasayang lang tayo ng oras sa mga walang kwentang hayop.
Nakatulala lang ang babae na nakatingin sa akin.
Hinila ko na si Dylan dahil mukhang lumipad na ang kanyang isip. Hoy gumising ka, para kang na engkanto dyan. Bigla namang humalakhak ang gago. Nakuha tuloy namin ang attention ng mga tao.
Pasyensya na po kayo, nalipasan lang ng gutom itong kasama ko. Kinain ko kasi lahat ng almusal niya. Nagsitawanan naman sila.
Hoy tumigil kana nga dyan, rerendahan ko na iyang bibig mo.
“Your unbelievable Fatty, nagawa mong paduguin ang ilong ni Maxon hahaha,” natatawa parin niyang sabi. Wala ka kasing imik kahit harap-harapan na ang pang-iinsulto niya sa'yo. Para kang tanga na tinitingnan lang siya. Nagka amnesia ka ba at kailangan mo pang kabisadohin ang hitsura ng dati mong kaibigan?
Nakapamili na kami ng mga kagamitan ko para sa unibersidad. Bumili pa kami ng bag at sapatos. Nang matapos na kami humirit pa siyang kakain kami sa restaurant dahil wala na akong oras magluto ng pananghalian. Oh Dylan nayawa na sumabog na yata ang bahay mo ngayon.
“What?”
Ang paa ng baka nilagay ko sa pressure cooker para lumambot. Magluluto sana kasi ako ng nilagang paa ng baka. Dylan dali uwi na tayo baka abo nalang matitira sa bahay mo.
Para na kaming baliw na nagsitakbuhan paalis ng mall. Pinagpapawisan na ako ng malamig at nagdadasal ng taimtim na sana walang masamang mangyayari sa bahay ni Dylan.
Wala na ring imik si Dylan na nagmamaneho ng kanyang kotse. Madalas napapamura kapag naiipit sa traffic. Kung may-isip lang sana Meggy papatayin niya ang kalan. Nga pala Meggy ang ipinangalan ko sa aking pusa. Wala na itong itlog dahil pinatanggal ko na sa veterinary doctor.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na buo pa ang bahay ni Dylan at hindi naman umuusok. Agad akong bumaba ng kotse pagkahinto niya para buksan kaagad ang gate.
Hindi ko na nagawang lumingon at diretso na ako sa kusina. Nakita ko si Meggy na nakaupo sa stool na upuan malapit sa kalan. Diyos ko Meggy salamat at iniligtas mo ang bahay ng amo natin. Pinatay ni Meggy ang apoy at naghihintay nalang siya doon hanggang sa dumating kami..
Sa tuwa ko niyapos ko kaagad si Meggy habang umiiyak. Salamat Meggy dahil Napakabait mo.
“Thanks Meggy for saving our house,” sabi ni Dylan habang hinihimas ang ulo ni Meggy.
Sa susunod huwag mo akong biglain sa mga pasabog mo at huwag mo akong hihilahin kung saan-saan para hindi ko makakalimutan ang ganito ka importanting bagay.
Pahinga ka muna saglit lulutuin ko lang ito at kakain na tayo ng tanghalian. Nilabas ko ang cupcake at binigyan ko muna siya ng coffee para iyon muna ang kainin niya. Nakatingin lang siya sa akin kaya napakunot ang nuo ko. Bakit ganyan ka kung makatingin? Gusto mong ilabas ang galit mo dahil sa kamuntikan kong pagsunog sa bahay mo? Gusto mo suntokan tayo para mahimasmasan ka?
Napailing-iling nalang si Dylan sabay bitbit ng meryenda niya papuntang sala. Binigyan ko rin si Meggy ng meryenda. Binilisan ko na ang pagluluto para makakain na kami ng pananghalian namin. After 30 minutes tapos na ako, kaya agad akong naghain. Dylan, kakain na tayo ng tanghalian. Hindi nakinig ang kagwang.
Meggy gisingin mo si Dylan dali. Agad namang tumakbo ang aking pusa para gisingin si Dylan. Sinundan ko pa ito para tingnan kung paano nga ba niya gigisingin ang mama. Nakatulog pala kaya hindi sumagot. Hindi nakuha sa kalabit ni Meggy kaya tumalon ito at dinilaan ang labi at mukha ni Dylan.
Napahagikhik ako dahil sa kabaklaan ni Meggy. Para-paraan Meggy magaya nga kita next time. Nang magising na ng tuluyan si Dylan ay agad namang tumalon sabay takbo si Meggy.
Kakain na tayo ng pananghalian, bumangon kana. Maghilamos ka muna dahil minulistya ka ni Meggy.
“What?”
Ngeee akala mo naglalaway ka habang natutulog? Nilawayan ka ni Meggy uy.
“Meggy ang dugyot mo, damn you cat,”pasigaw niya at tumakbo papuntang lababo para maghilamos.
“Magaling kang magluto ng mga ulam kaya ang dami ko na rin nakakakain araw-gabi. Mukhang tataba na rin ako kagaya mo Fatty,” komento pa niya.
Pwedi na ba akong magbenta ng mga ulam pagkapasok ko sa eskwelahan ko? Dagdag kita din iyon makaka-saving tayo sa tuition ko.
“What the hell are you talking about Fatty? Are you insane selling foods inside the university?”
Magnegosyo ra unta ko suko dayon ka ba.
Anong mali kung magtitinda ako ng ulam? Anong pagkakaiba nun sa pagtitinda ng kotse? Ang kotse malaki ang puhunan na ginagamit kumpara sa ulam na maliit lang ang puhunan na gagamitin. Pero pareho parin na kikita ng pera kapag nabinta na.
“No fatty, don't ever do that. For God sake it's University of the Philippines Ananya. Mawawalan tayo ng reputation sa gagawin mo,” sabi pa niya.
Alam mo ang pangit mong kasosyo dahil namimili ka ng pagkakakitaan.
“Mag-aaral ka muna Fatty, pero huwag na huwag kang magtitinda sa loob ng eskwelahan mo,” babala pa niya.
Asus natakot si Dylan na baka yumaman ako hahaha.