Chapter 72 "Rhon!" boses iyon ni Kuya Zaldy. "Sandali lang." Huminto ako. Nilingon ko siya saka mabilis ang aking mga paang kumilos para balikan siya. Nang nakalapit ako sa kaniya ay binigwasan ko agad ng isang napakalakas na suntok sa kaniyang sikmura. Kung hindi ko lang naisip na may naitulong din siya sa akin, sa amin noon kahit papaano ay baka sa panga ko siya sinuntok. "Sanda-li..." namimilipit siya sa sakit. Hindi niya napaghandaan ang ginawang kong iyon sa kanya. Hawak niya ang kaniyang sikmura at halatang naninigas iyon dahil namumula ang kaniyang mukha at hirap siyang huminga. Napayuko siya sa sobrang sakit. "Gago ka! Pinagkatiwalaan kita! Tinatanong kita noon kung anong alam mo, kung nasaan si Rizza pero hindi ka sa akin nagsabi. Sino ba ang kaibigan mo? Si Paul o ako? Pero s

