KABANATA 46 Start [ASTRA’s POINT OF VIEW] "Napaka-ganda pa rin. Walang kupas, hindi nagbabago. Ilang dekada na ang lumipas, ngunit heto pa rin siya, kumikinang pa rin sa ganda," Wika ni Axel habang hawak ang isang Okuzami. "Hindi mo nga naman aakalin na sa likod ng nakaakit nitong anyo, siya namang nagtatago ng matinding lason---teka, nakikinig ka ba, Astra?" Mabilis akong napakurap at bilog ang mga matang napatingin kay Axel. "H-ha? O-oo." Sa dami ng iniisip ko, hindi ko na alam ang uunahin ko. "Hindi ka naman nakikinig eh," Nakangusong usal pa niya at pinalutang sa kaniyang mga palad ang hawak na Okuzami. "Hindi mo ba natatandaan ito?" Ngumiwi ako, "Natatandaan ko. Iyan iyong bulaklak na muntik ng pumatay sa'min nila Echo." "Bukod doon?" "Bukod doon wala na. Bakit ba? Ts

