KABANATA 27 The Lost City SABI NI Jaze, ang Lost City ay isang bayan na hindi naman talaga actually nawawala. Mas tago lamang ito sa Azmar dahil malapit na ito sa sentro ng desyerto. Halo-halo raw ang mga users na nandito at wala silang balak na makisama sa agwat na mayroon ang mga kaharian laban sa Alkirvia. Gaya ng normal na bayan ay mayroon ding mga mayayaman at mahihirap dito. Ang Magedell ay para sa mga mayayaman, at nagtayo rin sila ng sarili nilang school. Kumpara naman sa Ezea High, dito sa Magedell ay may pagkakataon naman makapag-aral ang mga mahihirap sa pamamagitan ng entrance exam. Ang distrikto daw ng Astrid ang pinakamalapit sakanila. Sila yung mga taong kagaya naming mga Vershiatist na mahihirap lamang. Hindi ako makapaniwala sa isiping mayroong mga dugong Ezean ang

