KABANATA 35 Unaccomplished "SAM..." MAHINANG banggit ko. Maging ako ay natigilan at naawa sa itsura niya ngayon. Kung ano ang itsura niya noong nakita namin siya sa ilusyon ni Valentina ay ganoon na ganoon din ang itsura niya ngayon. Hindi ko akalain na...buhay siya. Napatingin ako kay Azriel at sa hindi malamang dahilan, biglang nanikip ang dibdib ko ng makita kong namumuo ang luha sa kaniyang mga mata. Muli kong tiningnan si Sam at kalahati ng talukap ng mga mata niya ay nakamulat, animo'y nahihirapan siya sa lagay niya. Tipid siyang ngumiti ng makita si Azriel at dahan-dahang gumapang papalapit sa'min saka hinawakan ang rehas. "A...Azr...Azriel," Nahihirapang sambit ng dalaga. Agad akong natauhan at lumuhod upang abutin siya. Mahina na ang pulso niya dahil sa dami ng dugong n

