Kabanata 6

3004 Words
KABANATA 6  The Cave of Queznowland "HOW CAN you kill me? The body you entered doesn't even have the ability to win over me. She's just a healer." Isang nakakapangilabot na tawa ang inilabas ni Astra. Nasa katawan niya si Zed, ngunit kung ibang tao ang makakaharap ay iisipin nilang si Astra pa'rin ito. "Hindi ka pa'rin nagbabago, Azriel," Ngumisi si Zed dito.  Nawala ang ngisi sa labi ni Azriel at bahagyang kumunot ang noo. Nagtataka siya kung paano siya nakilala ng lalaking kaharap. Ngunit di na siya nagabalang magtanong pa. "Hindi mo ba ako natatandaan, Azriel?" Dagdag na tanong pa ni Zed na may nakakalokong ngiti. Hindi sanay si Azriel dahil ang inosenteng mukha pa'rin ni Astra ang kaharap niya at di niya maiwasang hindi mailang. Pumamulsa si Azriel at tiningnan ang lalaking kaharap, "What are you talking about?" "Dalawang taon ang nakalipas...nakalimutan mo na ba?" At doon niya nakuha ang atensyon at interes ni Azriel. Napaayos nang tayo ang binata at masamang tiningnan si Zed.  "What?" He tried to maintain his calmness para maiwasang saktan ang katawan ni Astra. Hindi naman mawala ang ngisi na nakapaskil sa labi ni Astra/Zed. Ang mga tingin nito ay inaasar si Azriel. "Nakalimutan mo na? Ako....ako ang isa sa pumatay sa kaibigan mo." And that pushed Azriel's button. Natigilan siya at hinintay na magrehistro sa utak ang kanyang narinig. Nagsimulang kumuyom ang mga kamao niya at magtiim ang bagang sa galit.  "You...what?" Pigil ang galit na tanong ng binata. "Paano mo siya mapapatay? The hunters killed her!" Ang tinutukoy nito ay ang mga taga-Lifarshia kung saan dinala ang dati niyang kasamahan at doon pinatay.  "Hindi mo alam?" Kunwari 'pang nagulat ang reaksyon nito. "Hindi ba sinabi sayo ng Magic Council?" He then smirked. "What are you saying?" "Ako ang pumatay sa katawan ng kaibigan mo, Azriel. Ako....ang kaluluwang iyon." Hindi makapaniwala si Ariel sa narinig at nanlalaki ang mga matang nakatingin dito. Bumilis ang t***k nang kanyang puso at nakaramdam siya nang pagkulo nang kanyang dugo sa galit. Paano nangyari 'yon? Paanong buhay pa siya?! Mapapansin ang pagnginig nang kamao ni Azriel at pagpigil nito na saktan ang katawan ng dalaga, ngunit nasisiyahan si Zed sa kanyang nakikita.  "You're a deceiver. You think I'll believe you?" Matigas na sagot nito. Napataas naman nang kilay si Zed at tumawa. Nagsimula siyang naglakad paikot sa harap nang binata, "Tandang tanda ko pa, Azriel. Tandang tanda ko pa," Ngumisi ito at umiling nang iling beses. "Ang pagsigaw niya, ang pagiyak niya sa sobrang sakit, ang paghingi niya nang tulong....Tandang tanda ko pa," Nginisian niya si Azriel. Naibaba ni Zed ang tingin sa kamao ni Azriel na nagsisimula nang balutan nang kanyang kapangyarihan. Hindi maalis ang kurba sa labi nito sa nakikita. Gusto niyang magalit si Azriel. Gusto niyang saktan nito ang katawan ni Astra.  "It's you..." Nanginginig na sa galit si Azriel. Bumabaon ang kanyang kuko sa sobrang pagkuyom nito,ngunit hindi man lang niya nararamdaman ang panghahapdi nang palad. "And you dare to say this to me?!" Nanlilisik ang mga mata nito.  "What now? Sasaktan mo ako? Okay, go on. Hindi ko naman katawan ito," Muling ngumisi si Zed at lumapit pa kay Azriel. Sinuntok ni Azriel ang punong nasa gilid niya na nabalutan agad nang yelo. His knuckles turned red and there are drops of blood dripping in the grass.  "Bakit kaya hindi mo nalang patayin ang babaeng ito? Tutal ganun din naman mangyayari. Matutulad din siya kay---" "SHUT UP!" Azriel shouted in anger ngunit hindi nagpatinag si Zed.  "I killed her. Pinatay ko siya! Pinatay ko ang babaeng pinakamamahal mo--pero anong ginawa mo? WALA! Dahil wala kang kwenta, Azriel!"  Napayuko si Azriel at nanggagaliti ang ngipin sa sobrang galit. Ang galit na ngayon na lamang niya naramdaman ulit matapos mangyari iyon. Ang galit na nakakapagwala nang kontrol sakanya. Ang galit na sinubukan niyang kalimutan. Ang galit na hindi niya gustong maramdaman... Nag-angat siya nang tingin. Nag-iba na naman ang kulay ng mga mata nito ngunit wala siyang pake. Nilalamon siya nang galit at nasa harap na niya ang lalaking may kagagawan sa pagkamatay ng babaeng labis niyang minahal. "I'll kill you...I'll fuckin kill you!!" Nagpalabas nang isang matulis na nagyeyelong espada si Azriel at sinugod ang katawan ni Astra, ngunit bago pa man siya makalapit ay natigilan siya nang makita ang isang liwanag sa dibdib nito na habang tumatagal ay lumalaki. Maging si Zed ay hindi malaman kung ano iyon. "A-Ano nangyayari!" Hindi mapakali si Zed at lumayo naman si Azriel. Napatakip siya sa mukha nang lumaki ang liwanag na ilang segundo rin ang tinagal. Hanggang sa unti-unti itong nawala.  Bumungad sakanya ang katawan ni Astra na umiiyak at malapit nang bumagsak sa lupa, ngunit agad siyang nasalo ni Azriel at niyakap ito.  "Shh...I'm here." ===== BUMALIK NA rin agad si Astra at Azriel sa Queznowland. Nang bumalik sa wisyo si Astra ay napagdesisyunan na nilang maglakad ngunit hindi na sila nagusap pa nang binata dahil parehong maay bumabagabag sa kanilang utak. Nagising ang mga Elementalists nang walang kaalam alam sa nangyari kanina. Ngayon naman ay kasalukuyan silang nakapalibot sa bonfire. Katabi ni Astra si Echo at Fauna sa magkabilang gilid at nasa harap naman niya si Azriel na walang kibo, katabi si Cadell at Paige. Magkakatinginan sila ngunit agad ding magiiwas nang tingin. Napapabuntong hininga nalang si Astra. "Do you think we'll make it?" Basag ni Fauna sa katahimikan. "Oo naman! Wala ka 'bang tiwala sa'tin? We're the Elementalists!" Proud na sagot ni Cadell. Oo nga. They're the powerful Elementalists, while Astra is just an ordinary lame healer who can do nothing but to heal. Walang wala siya sa lebel nila, at yun ang naisip niya. Fauna rolled her eyes, "I know." "Kung nakokontrol mo lang talaga sana ng ayos yung aeroportation mo, Cadell, baka nakarating na tayo dun. Kaso wala eh...and your aeroportation sucks," Sabat ni Echo na nakangiwi pa. "Grabe ka naman sa'kin Echo! Sadyang mahirap lang talaga kontrolin 'yon!" Depensa ni Cadell sa sarili. "Sus. Baka kako weak ka lang?" "Ako weak? Baka gusto mo i-try natin ngayon yung aeroportation, ano?" "Ah. No thanks." They both rolled their eyes at tumalikod sa isa't isa.  "You know what guys? I'm hungry," Singit ni Paige na nakahawak sa kanyang sikmura. Oo nga, kumakalam na rin ang t'yan nila, ngunit kung si Astra ang tatanungin ay kayang-kaya niyang tiisin ang gutom, dahil gaya nga ng sabi nito ay sanay siya sa pamumuhay ng isang mahirap.    "Ako din! Gutom na ako! Huhuhu!" Sabi naman ni Fauna. "Tamang-tama may dala tayong pagkain!" Nakangiting bubuksan na dapat ni Echo ang kanyang bag nang magsalita si Azriel. "No. Cadell and I are going to find some food. Hindi natin pwede ubusin ang dala natin." They all agreed to what he said. Maya-maya pa ay umalis na yung dalawang lalaki at naiwan ang apat na babae sa loob ng kweba.  Okaaay? Medyo awkward para kay Astra ang atmosphere dahil bukod dun sa nangyari kanina ay hindi pa naman niya masyado kilala at close sila Echo. Sa tuwing pagmamasdan niya kasi ang itsura ng tatlo ay hindi niya maiwasang hindi maikumpara ang sarili sa mga ito. Si Echo ay madaling namang kaibiganin dahil sa pagiging masiyahin at friendly nito. Si Fauna naman ay may pagkaseryoso ngunit sumasabay din naman sa biro minsan. Habang si Paige naman ay ang masungit sa dalawa, at hindi na siya umaasa na magiging kaibigan niya ito.  Kung isasama naman sa usapan yung dalawang lalaki, masasabing si Cadell ang boy version ni Echo. Masayahin din at palatawa, at si Azriel naman ay taglay-taglay ang ugali na mayroon si Fauna at Paige. Seryoso at masungit, minsan. Ngunit sa limang Elementalists ay hindi niya aakalaing kay Azriel siya unang magiging komportable. Lalong-lalo na nang maalala niya ang ginawang pagyakap sakanya ng binata. Napangiti si Astra sa kanyang naisip ngunit agad ding napawi. Naisip niya na sa oras na matapos itong misyon na ito ay babalik na siya sa buhay niya dati. Sa buhay kung saan si Keya lamang ang pamilya niya. Kaya naman itinatak ni Astra sa isip na  wala siyang ibang kaibigan bukod kay Keya. Kay Keya lamang. "Alam mo 'bang napaginipan kita kagabi, Astra?" Nilingon ni Astra ang nakangiting si Echo. "Napanaginipan ko na humihingi ka daw nang tulong. Umiiyak ka n'on at...wala akong nagawa." Napayuko si Echo dahilan para manigas si Astra sa kanyang kinauupuan. Hindi 'yon panaginip, ngunit totoong nangyari.  "Baka naman kasi pinagiisipan mo nang masama si Astra," Singit ni Fauna. "Naaay epal," Pangaasar ni Echo. Sumeryoso naman bigla ang mukha ni Fauna at sinamaan nang tingin si Echo. "Alam niyo may nabasa ako tungkol sa lugar na ito eh," Hirit pa ni Echo. Napatitig pa sakanya ang tatlo at hinihintay ang susunod na sabihin nito. "C'mon guys! Pinagaralan natin 'tong Queznowland! I'm sure this is not just a cave. May hinala ako na hindi lang ito isang kweba." Napataas nang kilay si Paige habang bored na nakatingin dito, "So what are you trying to say?"  "Two years ago nung huling diniscuss sa'tin ang tungkol sa kwebamg ito at wala na akong matandaan," Napanguso si Fauna.  "Hayys! Ang korni naman!" Ngumuso rin si Echo na parang bata. Napaisip naman si Astra.  Wala siya masyadong alam sa Queznowland, pero may konti siya'ng nabasa tungkol dito noong bata pa siya. As far as she know, mayroong secret passage dito na sobrang layo mula sa labas nang kweba at kahit umaga ay madilim ang loob dito dahil hindi na abot ang liwanag, at sa pinakadulo nitong mismong cave na pinasukan nila ay mayroong mga Okuzami na maaari 'kang pagalingin nang kahit anong sakit.  It's just like the ability of a Healer, pero spesyal ang Okuzami. It can easily cure you kahit nagaagaw buhay ka na, unlike the healers na sugat lang ang kayang iheal. Hindi na kasi sakop nang ability nila ang pagalingin ang taong nagaagaw buhay. Hanggang wounds, bruises , scratches, and other minor injuries lamang ang nakakayanan nito. Wait, speaking of Okuzami... "Okuzami. May mga Okuzami dito," Napasalita nang wala sa oras si Astra na ikinagulat naman nung tatlo. "Ahh oo nga! The Okuzami Flower!  Ang galing mo Astra! Kelangan natin hanapin yun, para in case na rin right? Astra's ability and the healing candies may not be enough," Said Fauna. Paige raise her brow as usual,"And where do you think it is?? The Okuzami Flower is inside this cave, and I bet na sobrang layo n'on dito." Echo shrugged, "Wala namang mawawala kung susubukan diba? Besides, we're already here. Magkasama naman tayo eh. So ano? In?" Itinaas ng dalaga ang kamay habang nakangiti. "In!" Sagot ni Fauna at itinaas ang kamay. Sumunod naman si Astra, at napatingin sila kay Paige na mukhang hindi sangayon, ngunit sa huli ay wala rin itong nagawa. "Ugh! Okay fine! I'm not saying I'm In, but I will be staying here. Kayo na lang ang maghanap. Baka hanapin tayo ng dalawa." ===== MGA PRUTAS ang nakuha ni Azriel at Cadell nang maghanap sila nang makakain. Salamat sa ability ni Cadell at hindi na sila nahirapan 'pang pitasin ito mula sa itaas nang puno.  They're on their way back to the cave when suddenly, Azriel caught something in his eyes. Pinigilan niya si Cadell sa paglalakad na nagtataka. "Bakit? Kulang ba yung dala natin?" Agad namang umiling si Azriel na nakatuon pa'rin ang paningin sa isang malapad na puno, na sinundan naman nang tingin ni Cadell. What he saw is not an hallucination. Lumabas doon ang isang maliit na bata na mukhang duwende. Sobrang puti, matangos ang ilong at mahaba ang tenga. Hanggang binti lang siguro nila ito. "Oh s**t, ano yan!" Napatago sa likod ni Azriel si Cadell.  "Come out, we'll not hurt you," Sabi ni Azriel. Unti-unting lumapit sakanila ang maliit na batang nakita. Ngayon lamang sila nakakita nang ganon klaseng nilalang at hindi nila alam kung ano at saan galing ito. "Oh, duwende!" Turo ni Cadell. "A-Anong duwende?!" Isang maliit at matinis na boses ang lumabas mula sa bibig ng batang iyon. Nagkatinginan naman si Cadell at Azriel. "Who are you? At saan ka galing?" Tanong ni Azriel na lumuhod pa para mapantayan ang mukha nito. Sumunod naman si Cadell. "Kayo ang dapat na tinatanong ko. Sino kayo at saan kayo galing?" Kumunot ang napakainosente at cute na mukha nito. Hindi naman siya nakakatakot sa totoo lang. Nakakagulat lang ang kanyang itsura, nagmukha tuloy siyang duwende. "We're from Ezea..and you are?" Ngumiti ang bata dahilan para lumabas ang kanyang malachainsaw na ngipin. Dahil don ay nanlaki ang mga mata nila sa gulat at bahagyang napaatras pa. "Wag kayong magalala, hindi naman ako nangangagat," Aniya. "Actually, sa maniwala man kayo't sa hindi, tao din po ako, half nga lang. I'm from the 3rd Kingdom of Azmar." Parehong nanlaki ang kanilang mga mata. So isa siyang Alpheniel? They can't trust an Alpheniel, ngunit ang ipinagtakaka nila ay ang itsura nito.  Alpheniels are the Wizards, Sorcerers, and Witches. Yes. Their skin is as white as snow, but they're not a dwarf-like!  Pinaniniwalaang nasa malayong lugar ang mga ito at namumuhay ng ayos after the First Great War. They need to be careful of this kid. She's an Alpheniel and Alpheniels are Alkirvia's ally. "Sigurado ka? Paano ka naging Alpheniel, sa itsura mong yan?" Tanong ni Cadell.  "Actually, hindi talaga ako isang Alpheniel, pero kasama nila ako. Nung unang makita ko kayo dito, alam kong galing kayong Ezea, and believe me, I won't harm you," Ngumiti pa ito. "How can we be so sure? Sinusundan mo siguro kami ano?" Nanlaki ang mga mata at ilong ni Cadell. "Hindi, ah! Naghahanap din ako ng pagkain," Ipinakita niya ang isang bag na kulay putik na naglalaman panigurado ng mga pagkaing kanyang nakuha. Tila ba hindi kumbinsido si Azriel at sinuri pa ito, ngunit walang bahid nang pagsisinungaling ang mga mata nito. "We still don't trust you," Ani Azriel at nilagyan nang yelong posas ang mga kamay nito. Nagulat ang bata ngunit di nalang siya nag-protesta. Nagsimula silang maglakad at pinanggigitnaan nila ang batang iyon. Hindi nila ito pwede pakawalan dahil baka kung ano pa'ng gawin nito. Even though she's a cutie little one, looks can still be deceiving. "So what's your name little half dwarfy?" Cadell asked  "I'm not a dwarf! I'm unknown! Hmp!" Ngumuso ito. "Your name is unknown?" "Ha-ha-ha---No! M-my name is Dara. And I'm an unknown creature," She answered.  Great. An unknown creature. Ito ang unang beses na nakakita sila nang isang nilalang na hindi alam kung ano klase ba siya. "Can you tell us where you're from? Aside from being on the Alpheniel's," Tanong naman ni Azriel. "Ahh, you mean, bago ako mapunta sa Alpheniel? Matapos kasi mangyari ang First Great War-" "W-w-wait wait!" Cadell stopped her with hand gestures. "What do you mean the First Great War? I mean...nand'on ka nung nangyari 'yon?" "Ahh. Kung hindi niyo pa po alam mga kuya, I'm already 100 years old and still going. The First Great War happened around 60 years ago." "WHAT?!" Gulat na sigaw nung dalawa. "But you're such a cute little girl!" Cadell whined in disappointment. "M-mas matanda ka pa pala samin. G-geez!"  "Oo alam ko. But age doesn't matter. I'm still a cute little girl in my personal own appearance," She giggled. "Pero mabalik tayo...so 'yun nga. Years passed after the First Great War, Queen  Yllva and I---" "WAIT!!" Halos mapatalon sila sa gulat nang sumigaw si Cadell. Maging si Azriel ay nanlaki ang mga mata at napangiwi. "Wait lang, ah. Kaano-ano mo naman ang Queen Yllva?" Tanong ni Cadell. "I'm her guardian angel. Hihihi." "Guardian Angel?" "Yupiyup! I was her Guardian Angel before the Great Amarine brought her to this world. Nasubaybayan ko ang paglaki niya, lahat-lahat! Maging ang panganganak niya sa Prinsesa," Biglang lumungkot ang mukha niya ng banggitin niya ang Prinsesa. "But I wasn't able to protect the Princess before she was gone and Yllva gone missing and died." "So pa'no ka nga napunta sa Alpheniels?" Bored na tanong ni Azriel. "That? Um. Simula nung isumpa ng Dark Lady ang mga Alpheniels"--" "Wait what? Sinumpa?" Kinontra na naman siya ni Cadell kaya napasimangot ito. "Oo. Sinumpa. Paulit-ulit? Kaya pwede wag muna kayo magtanong? Kaya di natatapos eh!" Natahimik naman si Cadell and she continued talking. "Buntis na n'on si Queen Yllva sa Prinsesa, magkasama kami dito sa mismong gubat na tinatapakan namin nung araw na yun. Hindi namin saulo ang lugar na ito kaya naman naligaw kami, at sa kweba ng Queznowland kami napunta." Hindi nila namalayan na nasa harap na sila nang kweba. "D'yan.." Turo ni Dara. "D'yan kami nagpalipas nang gabi ng Reyna. Ni hindi nga namin alam na dito pala nagtatago ang mga Alpheniels eh." Parehong nanlaki ang mga mata ni Cadell at Azriel nang marinig iyon.  "WHAT?!" "What? Anong nakakagulat dun? Ayan ang secret place nila. D'yan sila nakatira till now. Duh?!"  "Ah s**t!" Azriel cussed. Tumakbo sila papasok sa kweba. They spent their night in this cave nang di namamalayan na may kahati sila sa lugar na ito, which are the the dangerous Alpheniels! Si Paige lang ang nadatnan nila pagkapasok. She was busy checking her nails to the point that she didn't notice them entering. "Asan yung tatlo??" Madaling tanong ni Cadell. "Oh, you're here already?" Tiningnan siya ni Paige at napunta kay Dara. Bahagya pa siyang nagulat at napaurong. "Who's this dwarf??"  "I'm not a dwarf!" "Asan yung tatlo?" Seryosong tanong ni Azriel. "Umalis eh," Paige answered. "Where?"  "Teka lang ha guys ah?" Singit ni Dara "Anong pinaguusapan niyo? Don't tell me dito kayo nagpalipas ng gabi?!"  They all nodded that made her eyes widened in shock. "What?! Pero 'andito sila Ozus! Asan ang mga kaibigan mo?!" She looked at Paige. "Um...they said they're going to find some Okuzami," Bahagya pa itong nagtataka sa inaasta nang isang nilalang na hindi niya kilala. "What again?! This place is dangerous! Okuzami's are dang---" At hindi na nito natapos ang sasabihin. They heard a loud scream echoed inside the cave, not so far from their place. Madali silang tumakbo papunta roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD