KABANATA 32 Fighting Valentina [ASTRA’s POINT OF VIEW] HUMAHALIK ANG hangin sa aking balat na nakapagpagising sa ulirat ko. Isang bonfire ang bumungad sa aking harapan, habang nakaupo sa tapat ko ilang metro si.... Si Azriel! Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napabangon sabay hinugot ang aking dagger sa bulsa. Nanginginig ko itong itinutok sakanya. "A-Ano?! Totoo ka na ba? Ikaw na ba si Azriel?!" Sigaw ko. Hindi malabong nasa ilalim pa rin ako ng kapangyarihan ni Valentina. Teka, ipinutok ko na ang baril sa sarili ko. Ibig sabihin...? Tumaas ang kilay niya at tumayo mula sa pagkakaupo sa wooden log, "You passed the illusion yet, we're still under Valentina's dimension." Dahan-dahan 'kong ibinaba ang aking dagger at kinunotan siya ng noo, "Ha? Anong sinasabi mo?" Ngumiwi s

