KABANATA 30 The Triplets [THIRD PERSON's POV] MALAKAS NA napasigaw si Echo nang mapagtanto niyang nasa ibang lugar siya. "WAAAH!" Napangiwi naman si Dara sa gilid nito na ngayon ay nakahawak na sa kanyang tenga saka tumayo. Kinusot-kusot po nito ang kanyang mga mata na animo'y bagong gising. "Aray! Ano ba, Echo! Volume naman, oh!" Sa kanan naman ni Echo ay naroon si Cadell na nakangiwi rin habang nakahawak sa kanyang likod. Tumama kasi ito sa bato malapit sakanya. "NASAAN NA TAYO?!" Histerikal na sigaw ni Echo. Halos lumuwa na ang mga mata nya sa panlalaki nito. "Duh? Hindi namin alam! Malamang kagagawan 'to nung ahas na 'yon!" Nakasimangot na ani Dara habang pinapagpagan ng kanyang maliit na kamay ang kanyang puwetan. Ang lugar na pinagbagsakan nila ay isang gubat. Isang guba

