“Kung sana kinilala ko pa siya bago ako nakipag relasyon sa kanya! Sana’y hindi ito mangyayari!” Nanginginig ang boses na sabi niya. “Ma, kaya nga tayo lalaban dahil kaylangan natin ng hustisya!” Ako. Hindi ko kayang makita si Mama na ganito. Hindi ko kaya na hanggang ngayon ay sinisisi niya ang sarili niya sa lahat ng ito. Kung may mali man siya. Biktima lang rin siya ng lahat. Matapos ikuwento ni Mama ang lahat. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko. Tumawag ako sa kaisa-isang taong nakaligtas sa walong pinapatay ni Zeus Calderon. Si Boris Almazan. “Boris.” Pag tawag ko sa kabilang linya. “M-mam.” Anito. “Sinabi mo noon nais ka niyang ipapatay. Nang matapos ang trahedyang iyon 30, years ago.” Ako. “Oo, I want to clear my name.. isa ako sa mga tauhang nagbantay sa penthouse kung s

