Chapter 63 NAPAISIP nang malalim si Evoon nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung kailangan na rin ba niyang tanggapin ang paghingi ng tawad sa kaniya ng mga magulang, gaya ng ginawa ni Giria. Maybe he can find peace too in his heart, tulad ng sinabi sa kaniya ni Giria kanina. Kung ganoon din ba ang gagawin niya ay magiging madali na rin ba sa kaniya ang lahat? Huminga siya nang malalim saka napahilot sa kaniyang batok. Inaalala kung ano ang maaring mangyari oras na mapatawad niya ang kaniyang mga magulang. Napansin naman ni Giria ang pag-iisa ni Evoon sa mga oras na iyon. Mukhang na-uwi ito sa malalim na pag-iisip. Hindi na lamang niya ito nilapitan, baka gustong mapag-isa ng lalaki para makapag-isip nang maayos. Kinagabihan ay nag-usap-usap sila tungkol sa progress

