Chapter 61 HINDI MAPAKALI sa kaniyang kinatatayuan si Logan ng mga oras na iyon. Lalo na at alam niyang hinahabol pa rin ng mga tauhan niya ang mga nakatakas na tao. Idagdag pa na nawawala ang kaniyang blueprint para sa antidote para sa akniyang likha na virus na iyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, napasabunot siya sa kaniyang buhok habang iniisip ang bagay na iyon. Paano kapag makaabota ng balita sa presidente? Ano na lamang ang kaniyang gagawin? Wala siyang mapapala sa mga ginawa niya, baka ipapatay pa siya ng presidente kapag magkaganoon. He need to plan better bago pa siya nito maunahan. Idagdag pa na nawawala ang kaniyang mga magulang at alam niyang sumama ang mga ito sa mga taong nagpunta roon. Sigurado rin siyang hindi ang mga ito pupunta sa kani

