Chapter 26 Three years later. . . “ANG GANDA-GANDA talaga ng inaanak ko!” Kinurot niya ang pisngi ng batang babae na si Virgina. “Naman! Saan pa ba iyan magmamana? Edi, sa Mommy!” sigaw naman ni Fyran. Napairap si Diserie sa sinabi ng kumare. “Sus! Sa akin nagmana iyan, ano!” kontra naman niya. Binibiro niya lang ang kaibigan. Nasa isang conference sila ngayon na gaganapin ngayong araw tungkol sa issue’ng tatlong taon na ang nakakalipas. Kahit na ilang taon pa ang lumipas ay mananatili pa rin sa mga puso ng mga tao ang isang bangungot na pangyayaring iyon. Ang pagkalat ng Sextoer Virus at ang pagkuha ng mga virgin na tao para patayin at ipain sa mga nilalang noon. Lumapit sa kanila ni Fyran si Lola Maria at Lolo June. Binati rin ng mga ito si Virgina at maging sila. Pagkatapos

