Chapter 31:Space “Aubriana, what the hell is that!?” Pagkauwi ko sa apartment ko, hindi ko inaasahang susundan ako ni Cosmo. Hindi na ako sumama kina Leighanne pauwi sa bahay. Nagpababa na ako dito sa apartment ko para dito ibuhos ang lahat nang sakit na nararamdaman ko. I was in the middle of crying when he came. Naudlot tuloy ang mga sakit na nararamdaman ko at napalitan ng galit nang makita ang mukha niya. Siya pa ang may ganang magalit, e siya nga itong namimili ng lingerie kasama ang ka-love team niya. Ano bang ibig sabihin n’on? Ano ‘yon, mags-swimming siya pero lingerie suot niya? “What?” I bitterly chuckled. “I gave you already the blessing. Bakit ba sinundan mo pa ako dito? May gagawin pa kayo ni Adria, hindi ba?” “What the hell?” Nagsalubong ang kilay niya. “Ganiyan ba tala

