Chapter 42:Comment “Ma, Pa.” Sabay-sabay akong nilingon nina Mama, Papa, at ni Shayle na tahimik na nanonood sa living room. Tumaas ang isang kilay ni Mama habang nangungunot naman ang noo ni Papa. Malaki akong ngumiti sa kanila sabay sulyap kay Cosmo. “G-Good morning po, Tita at Tito.” Napansin ko ang pagu-utal ni Cosmo kaya naman napatawa ako. Natigil na lang nang lingunin niya ako at ngusuan. Umiwas ako ng tingin at kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti o pagtawa. Hindi ko inaasahang matapos akong ipakilala ni Cosmo sa parents niya na hindi naman ako gusto para sa anak nila ay dito naman kami dederetso sa bahay para naman mamanhikan sa kasal na binabalak naming dalawa. Ayaw na yata akong pakawalan pa ni Cosmo. Nalulungkot pa rin ako para sa career niya pero may par

