Misty Zehra Avilla TUMAYO SI Doctor Tiffany sa kanyang kinauupuan matapos makarating dito ang impormasyong pinaabot sa kanya ni Mr. Ramirez. Napalunok ako at nginitian siya ng pilit na may kaakibat na hiya. “Why do you have to lie? Kasi kung ayaw mo, hindi ka pipilitin ni Conrad.” Dahil doon ay napaangat ng tingin si Doctor Liam sa amin at ngumiti, dahilan sa paglabas muli ng dimple niya sa pisngi. “Talaga ba? Hindi namimilit si Conrad?” pagsabat nito kaya matalim na titig ang pinukol sa kanya ni Doctor Tiffany. “Gusto ko lang siyang turuan ng leksyon, Dok. Mukha namang nakikinig siya kay Zehra. Ang laki ng pinagbabago niya, bakit hindi natin yun gamitin para naman turuan siya kung paano maging mabuti. Hindi sapat na magaling siya… dapat matuto rin siya maging mabuti,” paliwanag ko

