Misty Zehra Avilla
SOBRA ANG KABA ng dibdib ko habang naghihintay sa maliit na opisina ni Madam Lana. Alam ko na kakausapin ako nito tungkol sa nangyari kahapon at naririnig ko na rin sa iba naming mga kasamahan ang plano nitong pagsesanti sa akin.
Lumabas ng restroom si Madam Leni habang may kausap sa kabilang linya sa cellphone nito. Nahihirapan akong napalunok nang magtama ang mga mata namin at nakita ko kung paano sumama ang timpla ng mukha nito.
“Yes, Doc! Oho. Walang problema.” Tumango-tango ito na tila isang bigatin ang kausap dahil kitang kita ko ang pagrespeto niya rito. Muli ako nitong sinulyapan at kakaibang titig ang pinukol sa akin na para bang may malaki akong kasalanan na nagawa sa kanya. “Agad-agad. Masusunod. Ngayon mismo!”
Umupo ito at nilapag ang cellphone niya sa ibabaw ng lamesa matapos ang tawag. Doon lang nakatuon ang atensyon ko sa cellphone niya dahil takot na maarinig ang mga salitang hindi ko gusting marinig mula sa bibig niya.
“May ginawa ka ba kay Doctor Buenavista?” Ang titig niya ay mariin na tila kayang manakit.
“Si-sino ho yun, Madam?” mahina kong tanong.
Napanganga ito at napahawak sa kanyang batok.
“Sinasabi ko na nga ba! Panigurado, may ginawa ka roon na hindi niya nagustuhan.” Ngumisi siya at umiling na tila ba katapusan na ng buhay ko. “Si Doctor Tiffany Buenavista ay isang anak ng kilala at maimpluwensyang tao rito sa syudad. Pyschologist yun. Lagi yun nandito dahil kaibigan nun si Mr. Ramirez. Huwag mong sabihing hindi mo siya kilala?”
Parang mas lalo tuloy siyang nagalit sa akin dahil hindi ko kilala ang mga sinasabi niya. Pero kilala ko naman si Mr. Conrad Ramirez, hindi ko pa nga lang nakikita kasi baguhan pa lang ako rito. Hindi pa naman ganun katagal.
“A-ah. Sa kusina lang ho kasi ako. Hindi naman ako… lumalabas.” Pilit ko siyang nginitian ngunit tinaasan lang ako nito ng isang kilay.
“Pupunta rito mamaya ang driver ni Doc Tiffany. Susunduin ka dahil gusto kang personal na makausap.” She took a heavy and frustrated dramatic sigh. “Just make sure Misty na wala kang gagawing sakit ng ulo. Si Doctor Tiffany Buenavista yun, ayokong mapahiya at sabihin na tatanga-tanga ang mga tao ko rito.”
“Pero… bakit naman ho ako kakausapin?”
She glared at me kaya bigla akong napaiwas ng tingin.
“Aba malay ko sayo! Sa dami ng pinsala mo rito simula magtrabaho ka, sa malamang may hindi ka ginawang maganda roon. Sige na! Lumabas kana at maghugas sa kusina, dahil maaga kang aalis ng trabaho.” Umirap pa ito bago kinuha ang cellphone niya at binuksan iyun. I stood up and glanced at her one more time, ngayon ay nakangisi na ito at humahagikhik pa habang nagtitipa sa screen. She is older than me, may asawa at anak na. Ngunit ang chismis dito ay may kabit daw siya sa opisina. Simula ng mapunta ako rito sa syudad, marami akong natuklasan na pwedi palang mangyari sa totoong buhay. I saw how the big the world is… and how cruel it is.
BAWAT HAKBANG ko ay napapalunok ako ng marahan. Isang malaking ospital ang pinasukan ko, isang magandang babae suot ang uniporming kulay puti na malinis tignan ang nasa unahan ko. Maiksi ang palda ngunit presentabli pa rin.
“Probinsyana ka?” she suddenly asked and quickly glanced at me as she turned right.
Bakit niya alam?
“Opo.”
“How long have you been here? More than a year?”
“Hindi pa naman nag-iisang taon. Mga limang buwan po.”
She paused and I heard her sigh, mukhang dismayado siya. Pero nung umiling ay doon ko napatunayan na mukhang may hindi siya nagugustuhang mangyayari.
“Ba-bakit nga pala ako nandito?” nahihiyang tanong ko at nahihiyang ngumiti.
Hindi niya ako kinibo bagkus ay binuksan na lamang nito ang pintuan at masungit na umiwas ng tingin. I entered inside and she automatically closed the door. Sinuri ko ang silid, the design is white, its giving me a clean and vibrant atmosphere. Kahit hindi ganun makulay ay buhay na buhay. May mga kagamitan na nasa ayos, walang makikitang pweding kapintasan sa ganda at perpekto.
Nakita ko ang nasa ibabaw ng lamesa na nameplate gawa sa metal at may nakaukit na pangalan.
Tiffany Fate R. Buenavista, PhD. – Department of Psychology.
“Psychology?” mahinang bulong ko sa sarili. Bakit ako gustong kausapin ng isang psychology?
“Yes, I’m a psychologist. Tiffany Fate Rinera Buenavista.” Napasinghap ako sa gulat at nilingon ang kakapasok lang na isang maganda at may katangkaran na babae. She came out from another door. Iba sa pintuan na pinasukan ko. “I assume that you’re Misty Zehra Avilla?” She offered her palm and smiled gracefully at me.
I was a bit mesmerized by her beauty, she has a pale complexion of skin, manipis ang labi at tipid ang mga ngiti. She is taller than me and has a voluptuous body that complements her height. Umaalon ang buhok nito na kulot sa dulo.
“Ah… Oo. Nice meeting… you, Doc.” Wala sa sariling sambit ko nang tanggapin ang palad niya.
I suddenly feel intimidated by her beauty and aura. Ang ganda niya! Lalo na sa ayos nito, kagalang-galang tignan.
“Sit down,” magiliw niyang sambit at umupo ito na siya rin namang ginawa ko.
Napunta ang tingin ko sa kulay puting malaking cabinet. It was filled of trophies and other awards, academic achievements. May malaking portrait siya sa gilid ng white walls, it was her picture when she graduated in college, I think. Ang bata pa niya at ang dami ng achievements sa buhay.
“You must be confused why you’re here.” Dahil doon ay bumaling ako sa kanya. Seryoso na siya ng titigan ako. “I heard from of the staff where you’re working, that you need money.”
Okaaaaay? Usapang pera…
“I will offer you an immediate job. Perhaps one or two nights, it depends. But I’m sure hindi ka naman aabot ng tatlong gabi sa trabaho mo.” She smiled at me and opened the drawer beneath her desk. She looks so professional and beautiful. “We agree to keep this confidential. May kontrata kang pipirmahan. We can discuss this today, in that way, you can automatically decide.”
“Te-teka lang, Doc. Naguguluhan ho ako. Ano po bang trabaho ang ibibigay niyo sa akin?”
Natigilan siya at napatitig ng malalim sa akin. Her lips moved and laughed a bit before she leaned on her chair. Tsaka bakit ako? Sa dami ng tauhan sa pinagtatrabahuhan ko? Dahil kailangan ko ng pera?
“Bed warmer.” She carefully waited for my reaction. Napatango ako kahit hindi ko alam kung ano ang ginagawa nun. But it sounds not decent. “You know what, Misty? This is not a dirty job, dumadaan kami sa tamang proseso. We only have one client, who is suffering from a severe sleep disorder. We conducted multiple studies to cure his disorder, but we all ended up failing. Pero kalaunan sa pag-aaral ko sa kanyang case, may isang solution akong nakita. This is not yet the cure, but this helps. A LOT.”
I bit my lower lip and still confused. Why of all the sudden? Bakit ako? Kung dumadaan sila sa tamang proseso dapat hindi basta-basta manghihila ng kung sino-sino na lang.
“If you agree right away, we can now proceed to your medical examination. We also need to… remove your glasses.” Napangiwi siya ng konti nang tignan ang malaking salamin ko. Dahil doon sa sinabi niya ay napahawak ako rito. “Do a little make over.”
“Ano bang… trabaho ng isang… bed warmer?” halos pabulong kong tanong.
She stared at me like amused or maybe disbelief that I don’t know that. Tila may pag-aalinlangan pa siyang sabihin ng diretso para mas maintindihan ko.
“Stay with our client for a night. It will look like a one-night stand, but we will pay you a huge amount of money. I can assure you that there is no problem when it comes to money.”
Napanganga ako at biglang natawa sa sinabi nito. One night stand? Kung ganun, may mangyayari sa aming dalawa? What kind of hospital is this?! May madumi silang ginagawa at trabaho sa kabila ng malinis at puti nitong mga dingding?!
“Hi-hindi pwedi. Hi-hindi ko binibenta ang katawan ko para sa pera.” She was shocked of my statement. “Pasensya na, Dok. Pero… a-ayoko.” Mariin akong umiling. Ginapangan ako ng kaba at takot, paano nila ako nakilala? At bakit ako?
Her neck moved like it was unexpected for me to reject her offer.
“You know Conrad Santillano Ramirez?” she uttered like this was her last resort to convince me. “He is your boss, right? He is my good friend, our family has a close tie and relationship like a real family. So basically, your boss is like my brother.”
Mr. Ramirez? Anong kinalaman naman niya rito?
“Kilala ko ho siya pero… hindi ko pa siya nakikita.”
At muli, nagulat na naman siya sa sinabi ko. This time ay napahilot na ng nuo.
“Conrad Ramirez is a ruthless CEO. A perfectionist and very keen to details, lahat mapapansin. He is suffering from a sleep disorder, insomnia. But I think this is more severe than insomnia. May mga gabi na hindi niya kayang makatulog. If you’re one of the employees that often see him, mararamdaman mo ang impyerno. Mabilis siyang mairita, mabilis siyang magalit, at konting kalabit mo lang he burst out. One of the effects of lack of sleep. Kaya sa loob ng kanyang kompanya, iniiwasan ng mga empleyado na magkamali. Because they know that their boss has a sleeping disorder.” Natigilan ako at napapilok ng ilang beses. “I assume that you know those facts about your boss. Kaya inisip ko na mas maiintindihan mo ang sitwasyon dahil doon ka nagta-trabaho. But I was quiet surprise that you didn’t even know him!” She laughed and clasped her hands together. Dahil sa pagtawa niya ay napatitig ako sa ganda nito.
“Nasa kusina lang naman ho ako. At iba rin kasi yung daan na nilalabasan namin sa kompanya tuwing papasok at uuwi.” I bit my lower lip and swallowed hard. “Hi-hindi ko ho maintindihan kung bakit… kailangang…”
“Kung bakit kailangang may mangyari sa inyo?” She simply stated. “I’m sorry, Misty. But I can’t say too much about him. I just revealed what everybody knows. Pero hanggang diyan lang ang pwedi kong sabihin. Lalo na at pasyenti ko si Conrad.”
Napahawak ako sa collarbone ko at natahimik. Habang siya naman ay mapagpasyensa na naghihintay sa sagot ko.
“I’m sorry, Dok. Pero hindi talaga. Hindi ko ho kayang gawin ang trabahong alok niyo, pero naiintindihan ko ang… sakit ni Mr. Ramirez.” Labas sa ilong iyun, syempre hindi. Ni hindi ko pa nga iyun nakikita. Paano ko maiintindihan yun?
Tsaka natatakot ako, mamaya kung ano ang gawin sa akin at pag-experimentuhan ako. Imagine? Pwedi naman sila maghanap ng kung sino-sinong babae riyan pero bakit ako? No! I doubt their offer, siguradong madumi itong papasukin ko.
“Are you a virgin?” she asked abruptly. Para akong mabubulunan sa sarili kong laway.
“Virgin man o hindi. Pero hindi ko ho tatanggapin ang alok niyo… Dok…” Napasulyap ako sa mamahaling nameplate niya. “Buenavista.” I smiled again at her. Pero ang mukha ko ay umiinit sa tanong niya.
“Five hundred thousand each night. That’s the price we offer who will agree to our terms on this job.”
Napanganga ako sa presyong binigay niya. Hindi nga? Totoo ba yun? Napangisi siya ng makita ang reaksyon ko.
“How funny. I can’t convince you when I told you that it was Conrad who is every girl’s dream. Oh, well, you haven’t seen him so I guess that’s a normal reaction.” Nagkibit balikat siya.
Hindi ako interesado riyan. Mas interesado ako sa pera. Makakapag-abroad na ako niyan! Hindi ko na kailangang magsinungaling kina Tatang. At hindi lang yun, sobra na yan sa pagpaopera ko kay Tatang.
“Totoo ba, Doc? Kalahating milyon?”
“I told you, Misty. We are fair here. Kahit gaano kayaman ay may pangangailangan din. But in the case of Mr. Conrad Ramirez, it’s not money that he needs.”
“Companion?” I perceived. Mas lalo siyang natawa sa sagot ko.
“Bed warmer. Companion is a different thing. Don’t expect that a man like him will love and show adoration for a woman.” She crossed her arms and took a deep sigh. Tila apektado siya sa problema at pinagdadaanang ni Mr. Ramirez. Nakikitaan ko ng awa at pag-aalala. “I would like to think that you change your mind, Misty. Dahil pag-uusapan na natin ang terms and conditions of my offer.”
I bit my lower lip and closed my eyes tightly. May pagdadalawang isip man ay sa huli nagawa kong tumango ng marahan para sa pera. Who cares about me, anyway?! Mas kailangan kong buhayin ang pamilya ko.
Naiisip ko pa lang ay para bang nandidiri na ako. Binaba ko ang sarili ko para sa malaking halaga ng pera. Hindi ko alam na dadadating ako sa puntong ito, tama nga si Gigi. Ang buhay dito sa syudad ang susukat ng prinsipyong pinanghahawakan mo at paniniwala na pinaninindigan mo.
“Hindi ba ako puweding… mag-isip muna?”
“I’m sorry, Misty. But I need your decision now. We are running out of time, Mr. Ramirez needs a woman right away.”
Wala bang ibang diyan na mahanap? Ano? Lahat na bang babae ay nakuha na niya at wala ng choice kaya sa akin na bumagsak? Sa mga katulad ko?
“Payag na ho ako.” Labag sa loob kong saad. Hindi ko alam kung dahil ba naiiipit ako at wala ng oras para magdesisyon o ano.
“Good!” She said pleased like it was something to celebrate. “One strict condition, Misty. Isa lang. You are forbidden to tell Conrad about your identity and about what we offer. You have to pretend that you came from a wealthy family. You grow up with grace and demurity. You have to fake it. For a night. Hindi niya pweding malaman ang estado ng buhay mo. At wala rin dapat makaalam ng tungkol sa gagawin mong trahabo.”
Napalunok ako at binabalot na ng kaba. Tama bai tong pinapasok ko?
“Ba-bakit naman ho? Hindi naman ako madumi.” Dinaan ko na lamang sa tawa iyun dahil nasaktan ako ng konti sa nais nito. Kung ganun lang naman, sana hindi na ako ang kinuha nila.
“No! of course not!” mariin niyang tanggi. She seems nice, so I will believe her. “Pero yun kasi ang standards ni Conrad. May speficic siyang gusto na masunod. Kaya nga sinabi ko sayo, dumaan ito sa mahaba at tamang proseso. But we encounter problem, he is asking a woman right away and we couldn’t find any, yet. Kaya...” She couldn’t finish her words instead took a heavy deep sigh.
“Kaya… kailangan niyong ibaba yung standards niyo?” natatawang sambit ko.
She stared at me and closed her lips tightly.
“It’s just your social background, Misty. Nothing else. You are perfect fit to the specific standards he is looking for. And it subsided your social status. Hindi naman yun mahalaga pa. Kung hindi mo rin sasabihin sa kanya. Just only for one or two nights, Sweetheart. After that, limot kana rin nun. Wala na yun pakialam sayo. I even doubt if he will examine your profile.”
Bumagsak ang tingin ko sa dalawang palad kong nasa ibabaw ng aking hita. I pinched my fingers while thinking if this is the time to argue in my head that I will reserved my body to the man I will marry.
“Wala ba siyang girlfriend o asawa?” Ayoko namang maging kabit. Naniniwala ako na ibang klase itong ospital, mukhang madumi ang pamamalakad. May mga gabi rin ako na hindi makatulog, pero hindi para maghanap ako ng lalaki na pwedi kong…
I shook my head and couldn’t even finish my words.
“I told you, Misty. There is no one on his life except his family and friends.” She moved her swivel chair. “We are all waiting for him to fall in love, baka yun na ang maging sagot sa kanyang sakit,” may halong pagbibirong sambit nito sa sarili at pinagsiklop ang dalawang palad.