"Mas matimbang pa rin ang pagmamahal kaysa sa mga pagkukulang at mga pagkakamali. Lahat ng tao ay may kakayahang magpatawad kahit gaano pa man kabigat ang naging kasalanan lalo na kung ang may atraso saýo ay isa sa iyong mga mahal sa buhay." Third Person's POV PAGKAMULAT ng mata ni Klea ay agad siyang nagbihis at nag-ayos para puntahan si Don Lenel sa hospital. Nabahala siya nang malaman niyang nag resign na pala sa trabaho ang personal nurse ng kanyang Papa. Tatawagan niya sana si Axie para samahan siya nang bigla siyang pinigilan ni Wade. "Ako na ang sasama sa'yo sa hospital." Pagpepresenta ni Wade. "Wag na kaya ko namang magmaneho." Malamig na tugon ni Klea. "If this is about yesterday, I'm sorry. Sobrang kulit mo kasi tapos yung way mo ng pagsasalita masyadong nakaka offend at map

