"Kapag hindi tugma ang sinasabi at kinikilos ng isang tao, mas pinaniniwalaan ko ang nakikita ng mga mata ko kaysa sa naririnig ng mga tenga ko." Klea Francine's POV TWO WEEKS LATER PALAISIPAN pa rin sa akin kung paano nakilala ni Joanne si Shana at kung paano niya nalaman ang connection namin sa isa't isa. Natanggap ko na rin ang walang kwentang regalong sinasabi niya. She gave me a blank sheet of paper with four dots in every corner. Gusto kong isipina ng meaning no'n pero ayokong sayangin ang oras ko sa mga walang katuturang bagay. Halos isang linggo ko ring inaliw ang sarili ko sa pagsho-shopping at paglalaro ng table tennis. I need to get rid of Joanne pero hindi ko siya makutaptapan. Suot ang isang pulang coat at isang fitted, above the knee, white dress ay taas-noo akong

