Chapter 34 - The Story Behind

1140 Words

THEARA Nasa hapag kami ngayon kumakain ng pananghalian, palihim akong sumusulyap-sulyap kay Mamita. Tatanungin ko ba siya o mananahimik nalang ako? Nabigla ako nang may sumiko sa akin. "Kanina ka pa diyan. Mapansin ka nga."bulong ni Jameson. "Itatanong ko o itatanong ko?"bulong ko pabalik. Para kaming baliw na nagbubulong-bulungan. Sasagot na sana si Jameson nang mapansin kami ni Mama. Kaya bumalik kami sa pagkain. Si Jameson ang naatasang maghugas nang mga pinggan kaya dumiretso na ako sa sala. Sa dami ng tao kagabi, si Mamita lang ang nagstay sa bahay, ang iba kong Lolo at Lola ay umuwi sa kani-kanilang bahay at ang iba naman ay naghotel. "Theara." Napalingon ako nang tawagin ako ni Mamita. "P-po?" "Napansin ko kanina ka pa sumusulyap sa akin sa hapag? May kailangan ka ba?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD