"Wag kang magpapasaway ha?"bilin ni Mama. "Mama, di na po ako bata." "Sige na at hinihintay ka na ni Ckesmir." Ngayon kami pupunta sa kapatid ni Ckesmir, sobrang excited na nga ako eh. Feeling ko magkakasundo kami ng bonggang-bongga ng sister niya. Sumakay na ako sa motor ni Ckesmir at nagdrive na siya papunta sa bahay nila. Yung kotse nila ang gagamitin kaya kailangan naming pumunta dun. Sumakay na kami ni Ckesmir sa kotse, at sila Tito Clyde at Tita Sam rin. Medyo malayo daw ang pupuntahan namin kaya kailangan naming huminto sa isang hypermart at bumili ng pagkain. Nagstay lang ako sa kotse since sila Tito Clyde at Tita Sam lang ang pumasok, si Ckesmir naman eh lumabas. Napalingon ako sa bagong kotse na nagpark katabi ng kotseng sinasakyan ko. At lumabas dito si Coby at si Tito

