Nakatitig ako sa kisame na para bang kinakausap ko iyon. "Hoy kisame! Ipaliwanag mo nga sa akin 'tong nararamdaman ko."pabulong na medyo pasigaw kong sabi. 'Di ko alam anong nararamdaman mo pero alam ko kung sino ang dahilan... At si Theara yun. Ang kapatid ng iyong gusto.'sagot ni kisame. "Bakla pa ba ako? O masaya lang talaga ako pag kapiling siya?"napatagilid ako at tumingin sa dingding. "Eh ikaw? May isasagot ka?" 'Si Theara parang dingding lang yan eh... Parang tulad ko.' "Anong ibig mong sabihin?'' 'Kasi puwede mo siyang sandalan tuwing may kailangan ka.' Kaya ba ako nagkakaganito kasi kailangan ko siya at di sa mahal ko siya? O mahal ko siya at di siya kailangan? O kailangan ko siya dahil mahal ko siya? O mahal ko siya dahil kailangan ko siya? 'Gulo mo rin eh no.'sagot nung

