Ang seryoso niya jusko.
"Bakit ka ba nakikialam dito Coby?"seryosong tanong ni Lester.
"You're hurting MY THEARA."
"My Theara? Hindi naman siya sa'yo ah?"
"Who cares. I like her, enough reason for me to protect her."
Binitawan ako ni Lester.
"We're going to talk Theara."
Napabuga nalang ako ng hangin, at napatingin kay Coby.
"B—''
"Stop. Save all your questions later we meet."pigil niya sakin at nakapamulsang pumunta ito kay Sean. Di'ba siya papasok?
Dumiretso na ako sa room ko nang madaanan ko ang room ni Nami.
Napansin kong wala si Ckesmir. Bakit kaya? Baka nalate.
Papasok na sana ako nang makasalubong ko si Roxanne.
"Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit brineakan ako ni Lester! Higad ka!"sasampalin niya sana ako pero sinalo ko ang kamay niya.
"Kung tatawagin mo ang sarili mo wag kang titingin sakin."
Minsan kailangan kong lumaban lalo na kung siya lang mag-isa ngayon. Wala siyang kasamang alipores ngayon kaya kayang-kaya ko siya.
"Lumalaban ka na."sasampalin niya pa sana ako pero sinalo ko uli.
"Ano naman dun? Wala sa mukha mo ang mukhang dapat kinakatakutan."
"Mang-aagaw!"sigaw nito sa mukha ko.
"At sinong inagaw ko sa'yo? Yung Lester mo? Wala akong pake dun, kahit mag-ano kayo, WALA AKONG PAKE."binitawan ko ang kamay niya at binigyan siya ng pinakamatamis kong ngiti.
Gigil na gigil siya at padabog na lumakad palayo.
"DI PA TAYO TAPOS!"sigaw nito.
Pumasok na ako sa room, buti nalang at nakasabay ko ang teacher namin. Di pa masyadong late.
"Good morning."bati sakin ni Coby.
"Bakit?"
"Ay? Walang 'Good morning rin'? Sama naman."
"E di good morning rin."
"Napilitan."bulong nito.
"Ano?"paglilinaw ko.
"Ah, wala. Wala."nakangiti niyang sabi. "Upo ka na, baka pagod ka ng tumayo."sabi nito at inaayos ang upuang katabi niya.
Wala akong ganang nakinig sa talak ng teacher namin, next week na ang exam at bago yun eh ang dance competition.
Nakakamiss si Ckesmir? Pumasok na kaya siya? Okay lang ba siya?
RECESS na rin sa wakas. Mag-isa akong pumunta sa canteen.
"Theara!"tawag sakin ni Venus.
"Pumasok ba si Ckesmir."
"Hindi eh."sagot ni Nami.
"Ah."
Bumili ako ng snacks at
Pumunta sa likod ng school building which is kukunti lang ang pumupunta. Biglang may nakita akong pamilyar na mukha.
Sa may pinakagilid nakita ko si Ckesmir na may kausap... Yung dad niya.
Lumapit ako at nakita kong umalis ang Dad ni Ckesmir. Nakatayo nun si Ckesmir ng bigla siyang natumba.
Agad akong tumakbo para saklolohan siya. Nakita ko siyang walang malay at may pasa sa gilid ng labi nito.
Jusko. Anong gagawin ko?
Nataranta ako at agad na pumunta sa exit ng school at sumakay ng taxi.
"Manong sa hospital po. Bilisan niyo po please..."
Agad pinaharurot ni Manong ang taxi at agad naman kaming nakarating sa hospital.
"Napano siya?"
"Nawalan po ng malay eh."
"Kami na ang bahala."
Pinasok nila sa isang room si Ckesmir.
Ang bilis ng t***k ng puso ko.
Gusto kong kumalma pero di ko magawa.
Biglang lumabas ang doktor at agad ko itong sinalubong.
"Okay na ang pasyente. Nalipasan ng gutom at mukhang di pa ito kumakain mula kahapon."
"S-salamat po."
Di pa siya kumakain mula kahapon? Napano siya? May masakit ba sa kaniya? Anong problema niya?
Napagpasyahan kong bumili ng pagkain at maiinom para paggising niya yun nalang ang iintindihin niya.
Bumalik ako dala ang dalawang burger at dalawang pananghalian na pagkain at tubig. Bumili na rin ako ng tinapay at baka di pa yun sapat.
Pumasok ako at nakita siyang nakahilata, walang malay.
Umupo ako sa gilid nito at hinawakan ko ang kamay niya.
"Ckesmir, mahal na mahal kita alam mo ba yun? Hindi eh no? Bakla ka kasi. Yun lang, lalaki rin ang hanap mo. Pero sana katulad nila Mama at Papa yung lovestory natin. I will be holding on to my dream until the end. Bahagya kong hinalikan yung kamay niya. Chance na'to eh, sasayangin ko pa ba?
Napatingin ako sa mukha niya.
Isang kiss lang please, sa lips. Isa lang Lord, pagbigyan niyo ako please... Kahit isang linggo straight ako ang maghuhugas ng pinagkainan namin, isang kiss lang sa lips please.
Linapit ko ang mukha ko sa mukha niya.
Red lips... Pointed nose... Eyebrows... Eyelashes... Perfect jaw line...
Ngumuso ako at lalapat na sana ang labi namin nang bigla siyang dumilat at nataranta kaya nagkauntugan kami.
"Aray!"sabay naming sabi.
"Hahalikan mo ba ako?"
"Ha?!"kunwari hindi. "Bakit ko naman gagawin yun? Hinihipan ko lang yung dumi sa mukha mo. Tama nga. Yung dumi sa mukha mo. Oo."
''Ah, eh bakit hindi yung kamay mo yung gamitin mo?"
"Linalamig kasi ako baka kung hahawakan ko yung mukha mo, malamigan ka tapos magising ka eh, parang ang ganda kasi ng tulog mo."
"Sa'n mo ko nakita?"
"Sa likod ng school."
"Oh."
"Kasama D—"
"Salamat uli. Ilang beses mo na bang ginawa sakin 'to? Pangalawa na 'ata."
"Wala yun." Para sa'yo gagawin ko lahat.
"Samantalang ako wala man lang nagawang maganda."napayuko siya.
"Meron kaya. Nilibre mo ako ng hapunan. Diba? Tsaka wag mo na isipin yun, okay? Kasi ang pagtulong ko sa'yo buong puso di naghihintay ng kapalit." Puwera nalang kung mamahalin mo ako, tatanggapin ko talaga yun ng buong puso. Chareng. "Kumain ka na."
Iniaabot ko sa kanya ang ibinili kong pagkain at kinain niya naman ito.
"Huwag kang magpapalipas ng gutom. At tsaka ba't di ka kumain kahapon? Ikaw ha? Di ganun ang magdiet."
"Di naman ako nagdadiet."
"Pero masama par—"
"Pinalayas ako ni Dad."
Halos lumabas sa ilong ko yung tubig na iniinom ko sa sobrang pagkabigla sa sinabi niya.
"Sa tingin mo, ano ang gagawin mo kapag nalaman mong may ibang babae ang Papa mo?"
"Si Papa? May ibang babae? Malabo yun. Mahal nila ni Mama ang isa't isa eh."
Mapait siyang napangiti. "Sabagay, di 'ata nila Dad at Mom mahal ang isa't isa."napatingin lang ako sa kanya. "Sabi niya di ko siya naiintindihan, eh paano ko siya maiintindihan kung di niya ipapaliwanag diba?"
Tumango-tango lang ako.
"Sa'n ka titira ngayon?"
"Ewan ko, sa boarding house 'ata. Di ko alam."
Kawawa naman siya.
"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan. Nakakailang."pagbibinakla niya.
Pfft. Kainis ka eh, ba't ka ba naging bakla?
''Ah sorry."
"Anong oras pa lang?"
"10:34."
"Diba may klase ka pa?"
"Pabayaan mo na yun. Isang araw lang naman."
"Per—"
"Importante buhay ka."biro kong sagot.
"Di naman nakakamatay ang malipasan ng gutom."
Oo nga pero ang mataranta kasi nawalan ka ng malay, nakakamatay.
Dapat nga sa sarili ko yun sinabi eh.
Tumayo siya at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.
"Di ko alam papano magpasalamat sa'yo para sa lahat ng ginawa mo, pero ito lang ang alam ko."
Di ako nakapagsalita, parang tumigil ang mundo ko. Yung puso ko? Lalabas na sa ribs ko.
Yayakap sana ako pabalik pero humiwalay na siya at hinawakan ang kamay ko at naglakad palabas ng ospital.
Di man ako nakahalik, yinakap niya naman ako. Okay na yun para sakin.