Chapter 43: ISABELLA "Oh my God, Bella! Where have you been? I've been worried for you all night!" salubong sa akin ni Tita Alison pagkapasok na pagkapasok namin ni Adonis sa mansion. Pasakay na sana siya ng sasakyan nang dumating kami. Gusto ko sana siyang asarin dahil base sa makeup niya ay mukha naman hindi siya na-stress ng buong magdamag. Pero dahil sa tono niyang stress na stress ay hindi ko ginawa. "I'm sorry, Tita Alison. Inabutan po kasi kami ng dilim kaya sa hotel na po kami nag-stay." "Bakit hindi ka tumawag para ipaalam sa akin?" Ngumiwi ako. Sumulyap na muna ako sa gawi ni Adonis na kalalabas lang ng kotse niya. Hindi siya nag-park sa loob dahil may pupuntahan naman daw kami mamaya. Kung hindi nga lang namin naisip na baka nag-aalala na si Tita Alison ay baka dumiretso na

