Chapter 29: ISABELLA Halos tulala lang ako habang nakaupo sa isang plastic bench na malapit sa OR. Tahimik akong nagdadasal para sa kalagayan ni Tristan. Libo-libong bagay ang nasa isipan ko, pero isa lang ang tanging nakatatak sa utak ko. Tristan isn't supposed to be there if it wasn't for me. He saved me, and now his life is in danger. "Bella!" Napatingin ako sa may hallway nang marinig ko ang boses ni Bella. Humahangos siyang lumapit sa akin. Basa ang mga mata niya. Para bang tinakbo niya lahat ng kailangang takbuhin marating lang ang kinaroroonan namin. Kasunod niya si Paris na dumiretso kaagad ang tingin kay Adonis na nakaupo lang sa tabi ko. "Are you okay? Nasaktan ka ba?" tanong niya kaagad habang chine-check ako. Kanina tiningnan na kami ng mga nurse habang kausap ni Adonis an

