Chapter 4:
ISABELLA
"Tonight is my parents 14th days, and I can't believe that I'm with you right now instead of crying out loud in front of their candles..."
Nagising ako nang masilaw ako sa liwanag na tumapat sa mukha ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay ang paglipad kaagad ng mahaba at puting kurtina mula sa salamaming pinto papuntang terrace ang bumungad sa akin. Kagaya ng mga araw na nagdaan mula nang magising ako sa hospital ay ang una ko pa ring ginawa ay ang maghalungkat ng kahit anong alaala sa utak ko, but for hundred times, I failed.
Inilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid kahit na nakahiga pa ako. Wala akong kasama, hindi kagaya noong nasa hospital pa ako, na para bang palaging may masamang mangyayari sa akin kapag iniwan nila akong mag-isa. Part of me ay iniisip na mabuti na ito, dahil gusto ko rin naman mapag-isa, at least hindi ko kailangan magpanggap o ipilit na ayos lang ako. Pero may parte rin sa akin na parang mababaliw kung hahayaan kong lumipas pa ang ilang oras na mag-isa ako. Parang gusto kong umiyak, maghanap ng dahilan para masaktan, bagay na dahilan kung bakit ayokong maging mag-isa.
Napatingin ako sa long sofa na katapat ng kama ko sa gilid. Bigla ko tuloy naalala si Adonis, ang nangyari kagabi. Tinotoo niya nga ang hindi pagtulog sa tabi ko kagabi. Akala ko ay pagnakatulog na ako ay saka niya ako tatabihan, pero ilan beses akong nagising kagabi at doon ko nga siya nakitang natutulog. Matangkad siya kaya naman masyadong maigsi ang sofa na iyon para sa kaniya, pero pinili niya pa rin na doon matulog. Natatakot ba siyang mailang ako, o ayaw niya lang akong galawin?
Nakagat ko ang labi ko nang maalala ko ang nangyari kagabi. I was desperate to kiss him myself, hoping that I could feel anything or to help me remember at least part of our relationship, but I failed... Or did I?
Nang halikan niya ako pabalik, I know its not our first time. Hindi ko rin sigurado pero the way he kissed me, I feel like he's longer for that.
Napahawak ako sa ulo ko nang pakiramdam ko ay parang piniga iyon. Ito ang nangyayari sa akin kapag pinipilit kong alalahanin ang mga bagay, kapag pinipilit kong mag-isip. Mukhang hindi talaga ito nakabubuti sa akin. They kept on telling me that I don't have to force myself to remember my past, I'm just gonna stress myself out, but who can blame me? I'm surrounded with people that I don't, I'm in a world where I can't find my own self, and the only way to find myself is to remember who I am.
Napatingin ako sa may pinto nang dahan-dahang bumukas iyon at sumilip ang isang ginang. Kahit na sumasakit ang ulo ko, tila ang isang galaw ko lang ay para nang inalog ang ulo ko, bumangon pa rin ako bilang paggalang. Kung titingnan ay mukha nang 50s ang ginang, nakasuot ito ng uniporme na kagaya ng mga suot ng maid na nakita ko kahapon. Kahit na matanda na siyang tingnan at may iilang hibla ng buhok niya ang may puti na, ang pagkakangiti niya sa akin nang makita niyang gising na ako ay batang-bata pa.
Isang imahe ng kalungkutan ang nanariwa sa puso ko, at hindi ko alam kung bakit at para saan.
"Gising ka na pala, Bella. Kumusta ang tulog mo?"
Hinawi ko ang medyo magulo pero bagsak kong buhok habang sinusundan siya ng tingin habang papalapit sa akin.
"O-okay lang po," halos hindi ko pa mahanap ang boses ko.
Umupo siya sa gilid ng kama. Buti na lang ay nasa gilid lang ako ng kama nahiga kaya kahit malapad ang kama ko ay naabot niya pa rin ako. Nage-expect kasi ako na lilipat si Adonis ng higaan kapag tulog na ako kaya tinirhan ko siya ng space.
Hinaplos niya ang buhok ko at inalis ang bawat hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko. Masuyo niya akong pinagmasdan.
"Ako ang Yaya Kelly mo, ako ang nagpalaki sa 'yo," aniya sa banayad na boses. Hindi ko alam kung ganito talaga ang boses niya, pero malambing ito.
"Yaya Kelly?"
Marahan siyang tumango. "Kapag nasa trabaho ang mama at papa mo, ako ang lagi mong kasama. Ako nga rin ang tumutulong sa iyo sa mga assignments mo, at nagpapatulog sa 'yo kapag late na ang magulang mong nakauuwi."
Nagpilit ako ng ngiti at umiwas ng tingin. "I guess you knew me better than I know myself." Napabalik ang tingin ko sa kaniya nang dumulas ang kamay niya pabitiw sa akin. Doon ko nakita ang malungkot niyang titig na pilit niyang tinatakpan ng mga ngiti.
"Nakakalungkot isipin na hindi ko nakikita ngayon ang may mataas na kompyansa sa sarili kong alaga. Alam mo bang masayang-masaya ako sa tuwing nakikita kong malakas ka, matatag, dahil pakiramdam ko ay napalaki kita ng tama." Hinawakan niya ang kamay kong nasa may kandungan ko lang. "Pero okay lang, mababalik mo rin ang dating ikaw."
Binawi ko ang kamay ko at iniwas ang mukha ko sa kaniya. Mababalik? I don't know how!
"Don't expect anything from me, Yaya Kelly. I don't remember anyone, I don't remember you."
"Okay lang, nandito pa rin ako para sa 'yo-"
"No! That's not okay! You can't expect me to open up to you and make me who I am before. I don't even remember who is Bella I used to be. I'm not her!" halos hingalin ako sa magkakasunod kong sinabi.
Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya pero iniwas niya na ang mukha niya sa akin bago pa tuluyang pumatak ang luhang namuo sa mga mata niya. Nakadama ako ng pagsisisi pero hindi ko naman magawang bawiin ang mga sinabi ko. I just can't.
Muli siyang humarap sa akin. Wala na ang bakas ng mga luha niya at muling ipinaskil ang masuyong ngiti sa mga labi niya. Napaiwas ako ng tingin. How can she be that kind and sweet to me?
"Naiintindihan ko, may pinagdaraanan ka. Gusto ko lang sa 'yong sabihin na masaya akong nakabalik ka na. Magmula nang mawala ang magulang mo ay nawalan na ng buhay ang mansion na ito. Lahat kami nangungulila."
Napailing lang ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. May parte sa akin na gustong marinig ang kung anong gusto niyang sabihin sa akin tungkol sa magulang ko, pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagtatanong.
"Yaya Kelly, don't tell her about unfortunate things."
Napatingin kami pareho sa bukas na pinto nang pumasok at nagsalita si Tita Alison. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang buhok ko saka binalingan si Yaya Kelly.
"Bella has an amnesia, Yaya, kung may kailangan man tayong ipagpasalamat ay iyon ay nakalimutan niya pati ang mga malungkot na mga nanyari. Let's keep that to ourselves."
Napaiwas lang ako ng tingin. She's always telling me that, and slowly I am convinced that this is a good thing that happened to me.
"And please, don't force her to be someone you knew, Yaya Kelly. Let her be what she want now, new her, new memories."
Napatingin ako kay Yaya Kelly nang marinig ko ang pagsinghab niya at pagtungo.
"Sorry po, Madame Alison, Señorita Bella. Mauuna na po ako."
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kuwarto. I felt bad about it. Kanina ay tinawag niya lang ako sa pangalan ko, but calling me Señorita Bella, it shows boundaries.
Napabalik kay Tita Alison ang mga mata ko nang hawakan niya ako sa balikat.
"Are you okay?"
Marahan akong umiling. "I don't know, Tita Alison. But the way she looks at me, I felt like she's looking for someone I don't know. Someone that not me anymore."
Hinaplos niya ang buhok ko sa likod pababa at marahang ngumiti sa akin.
"Just don't mind her, be someone you want to be as a new Bella. New memories, okay?"
Tumango lang ako at isinandal ang sarili ko sa kaniya nang yakapin niya ako. Sa katunayan ay hindi ko rin alam kung tama ba itong ginagawa ko, pero hindi ko rin kasi alam kung ano ang dapat kong gawin. But the only way for me to survive is to never seek for my past. I have to make a new one.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na sa akin si Tita Alison. Ang sabi niya ay mula nang maaksidente ako ay siya na ang umasikaso ng kompanya ng pamilya namin. Tinanong niya naman ako kung gusto kong asikasuhin uli iyon, pero ang sabi ko ay hindi ko kaya. I don't remember how.
Pinabalik niya na lang ako sa pagtulog kaya muli ay nahiga na lang ako hanggang sa nakaalis na siya. Hindi ko na nagawang makatulog kaya tahimik lang akong nakatingin sa kalangitan, without thinking anything.
Napalinga ako sa may pinto nang bumukas iyon. Pumasok si Adonis na may dalang wooden tray. Naamoy ko kaagad ang amoy ng mga pagkaing pang almusal at ng orange juice.
Pinanood ko lang siya hanggang sa ilapag niya ang tray sa dulo ng kama at umupo sa gilid ko.
"Good morning. Sabi ni Yaya Kelly gising ka na raw, pero mukhang ayaw mong bumaba kaya dinalhan na kita ng almusal."
Tinatamad na umupo ako. Hindi ako umimik at tiningnan lang ang dala niyang pagkain. Gusto kong kumain pero wala akong gana. Napabalik ang tingin ko sa kaniya nang haplusin niya ang gilid ng noo ko kung saan may benda.
"Let me change that first."
Hindi pa rin ako umimik. Pinanood ko lang siya habang kinukuha ang medicine kit sa cabinet. Binalikan niya ako at sinimulang linisin ang sugat ko. Pinigilan kong mapaigik kapag nasasaktan ako. Kahit kasi magaan ang kamay niya ay may hapdi pa rin doon.
"Sinabi sa akin ni Yaya Kelly ang nangyari kanina."
Bumagsak lang mga mata ko. Marahil ay pagagalitan niya ako? Nawalan naman talaga ako ng modo kanina, at nakasakit. Alam kong nasaktan ko siya.
"Don't you want to grief?"
Napatingin uli ako sa kaniya. Gusto kong bawiin ang mga mata ko dahil bigla kong na-realised ang lapit niya sa akin. Hindi ko alam kung anong una kong iisipin, kung ang tanong niya sa akin o ang nangyari kagabi. I wanna ask him why did he left.
"Malungkot magluksa, pero ang pagluluksa para sa taong mahal mo ang pinaka masarap na gawin kapag nawala sila sa 'yo. Iyon lang ang kayang magpagaan ng pakiramdam mo, hindi ang salita o presensya ng kahit na sino, o alak, bisyo, trabaho. You need to grief to ease the pain, Bella."
Hindi ko namalayan na may kumawala nang luha sa mga mata ko, namalayan ko na lang iyon nang punasan niya iyon. Nanatili ang mga kamay niya sa may pisngi ko habang nakatingin sa akin.
Hindi ko na pinigilan ang bawat patak ng luha kong hindi na tumigil.
"Lahat sa buhay ko nakalimutan ko, pero bakit ang sakit pa rin? Bakit hindi nawala iyong sakit?" puno ng hinanakit kong sinabi. Sana iyon na lang ang nawala. Sana naging manhid na lang ako.
"Maybe because their memories isn't just on your mind, but at your heart."
"Adonis, ang sakit kasi. I can't do this."
Niyakap niya ako kaya napakapit na ako sa kaniya.
"Its okay, I'm here."
Ipinikit ko lang ang mga mata ko at hinayaang tumahan sa pisig niya. Ngunit napamulat ako nang isang alaala mula sa panaginip ko ang bigla kong naala. I had a dream earlier but I lost it the moment I opened my eyes.
It was me sitting at the top of a black car. I can't see it too well because it was blurred, but I heard my voice talking to someone.
'Tonight is my parents 14th days, and I can't believe that I'm with you right now instead of crying out loud in front of their candles...'
Dahan-dahan akong kumawala sa yakap niya nang hindi humihiwalay sa kaniya. He's looking down at me, worried.
"Was I with you at my parents 14th days?"
Nagsalubong ang mga kilay niya at napatitig sa akin.
"Tell me what you remembered."