Chapter 54 ISABELLA Mukhang pati si Ruru ay nagulat sa sinabi ni Adonis, pero kaagad siyang kumilos para tawagin si Gabriel. Binalingan ko si Adonis. Tumango lang siya sa akin bilang simbolo na sigurado na siya sa plano niya. Hindi ko alam kung ano nga bang susunod niyang gagawin, ang alam ko lang ay ang sinabi niya sa akin na kailangan kong gaein. Hindi na ako nakapagtanong dahil iniwan ni Ruru ang mga kasama niya kaninang kukuha sana sa akin. Hindi nagtagal ay bumalik na si Ruru kasama si Gabriel. Lumipat ako sa gilid ni Adonis nang magkaharap silang dalawa. "I heard that you are about to give me an offer? So, wala kang balak magsalita kahit na sinaktan ka namin, but you are willing to make a deal with me." Ngumiti si Adonis nang walang kalaman-laman. "I want you to regret everythi

