Chapter 51 ISABELLA Nagising ako sa sobrang init. Mabilis akong napabangon nang kaagad na rumehistro sa utak ko ang mga nangyari. Ang huling naaalala ko ay nang sampalin ako ng napakalakas ni Gabriel kaya ako unti-unting nawalan ng malay. Nilibot ko ang paningin ko. Hindi ko alam kung nasan ako, pero alam kong wala na ako sa bahay ni Tita Alison. The way I looked at it, para akong nasa isang building na madalas ko lang nakikita sa TV o sa mga action movies. Ang mga ilaw sa bawat sulok ay hindi gaanong maliwanag, pero sapat na para makita kong mabuti ang kapaligiran ko. Wala akong makitang tao. Tumayo na ako. Halos mapaigik pa ako dahil sa sakit ng katawan ko dahil sa matagal na pagkakahiga sa matigas na sahig. Nagsimula akong maglakad habang lumilinga-linga. Halos wala akong makitang

