ZEUS POV. "Okay lang ba si Kira, Zeus?!" bungad agad sakin ni Tito Renz ng makalabas ako nang kwarto ni Kira. "Opo, maayos naman po siya. Hindi ko nga lang po matukoy kung bakit siya nagsisisigaw at nagwawala," taka kong sabi na kahit ata sina Tito Renz eh napaisip din. "Anong ginagawa ni Kira sa loob?!" tanong naman ni Tita Nicole. "Nandun lang po siya sa veranda at tinitignan ng masama si Dean na nasa gate kanina at umalis na," paliwanag ko. "Ano bang nangyari kay Dean? Bakit ba hindi siya nakapunta? Siguradong magtatampo tong si Kira," saad ni Tito Renz na tinanguan naming lahat. Sigurado na yang salitang TAMPO na yan kay Kira dahil hindi tumupad sa usapan si Dean. Hay, kahit na medyo may galit ako kay Dean dahil gusto kong mapasakin si Kira eh boto parin ako kay Dean para kay Kira.

