FLASHBACK "Ano na naman ba ang ginawa mo?! Hindi ka na ba titigil Miguel?!" Bulyaw na sabi ni Denis sa asawa nyang naghahanap na naman ng matataguan sa loob ng bahay nila. "Nagtatrabaho ako Denis para may pambuhay ako sa inyo nang magiging anak natin," sabi naman ni Miguel na ipinagkakasya ang sarili sa isang kabinet nila sa kwarto. "Trabaho?! Humanap ka naman ng maganda Miguel! Ang daming trabaho dyan bakit pagnanakaw pa?!" "Mas madali tayong makakakuha nang pera pagnagnakaw tayo at hindi na natin paghihirapan pa 'yon. Tatakbo ka lang ng sobrang bilis eh may pera ka na diba?! Libo pa!" mayabang pang sabi nito. "Ewan ko sayo!! Ayaw ko na!! Sawang sawa na ako. Nakapag desisyon na kong hiwalayan ka na. Mamumuhay na lang kami nang anak mo malayo sa'yo!!" sigaw ni Denis at dumiretso siya

